Ayaw sanang makaabala ni Alyanna kay John at balak na niya itong tanggihan, ngunit tila nabasa nito ang iniisip niya.“Huwag mong isipin na naaabala mo ako. Magkapareho rin naman ang direksyon natin pa Quezon City. Isa pa, mas mahirap maghanap ng driver sa umaga kaysa sa gabi.”“Pero Kuya…”“Kung gusto mo, bayaran mo na lang ako para di ka masyadong makonsensya. Ibigay mo na lang ang karaniwang singil ng isang grab driver. Ayan, ah, hindi yan libre. Ano sa tingin mo?”May alinlangan pa rin si Alyanna. Malaki na ang utang na loob niya rito. Ngunit dahil sa sinabi nito, unti-unting gumaan ang loob niya.Sa huli, pumayag siya.“Okay, Kuya.”“Siya nga pala,” dagdag nito. “Baka pwede i-drop na natin ‘yang Kuya na ‘yan. Lakas makatanda eh. Hindi naman naglalayo ang edad natin.”Napatawa si Alyanna. “Okay fine. Kung ‘yan ang gusto mo, JOHN.”“Ganun sana!” natatawang wika ng lalaki. ...Inihatid ni John si Alyanna sa Diamond Residences Ipinarada nito ang sasakyan sa tapat ng pangunahing gate
더 보기