The FlowersAvianna's POVTahimik ang buong bahay nang magising ako kinabukasan.Monday na pala. Mabilis ding bumalik sa isip ko ang nangyari sa buong weekend—ang paglabas naming tatlo ni Kyrex, ang pamimili ng mga gamit ni Mochi, ang pag-inom ng kape, at ang simpleng paglalakad sa mall na kahit ilang beses kong isipin ay hindi ko pa rin maipaliwanag kung bakit naging magaan sa pakiramdam. Hindi iyon date paulit-ulit kong ipinaalala iyon sa sarili ko. Isa lamang iyong ordinaryong paglabas dahil sa kakulitan ni Kiara. At hanggang ngayon, iyon pa rin ang paninindigan ko.At ang mga nangyari kahapon. Ang pag-aalaga at pagtatanim ng halaman, ang kapasawayang ginawa ni Mochi at si Kyrex na mahilig sa mga halaman bilang pampalipas ng oras.Napabuntong-hininga ako bago bumangon sa kama. Pagkatapos kong mag-ayos ay bumaba ako sa unang palapag. Agad akong sinalubong ni Mochi na masiglang kumakawag ang buntot habang paikot-ikot sa mga paa ko."Good morning, Mochi."Yumuko ako upang buhatin siy
Baca selengkapnya