A Familiar StrangerAvianna's POVIlang araw na rin mula nang muling bumalik si Marco sa bansa. Simula noon, ilang beses na rin kaming nagkita para mag-kape at magkuwentuhan. Hindi naman naging mahirap para sa amin na bumalik sa dating pakikitungo sa isa't isa. Kahit ilang taon kaming hindi nagkita, parang hindi naman ganoon katagal ang lumipas kapag magkasama kami.That afternoon, nagkita ulit kami sa isang maliit na café malapit sa bahay.Tahimik ang lugar at hindi ganoon karami ang tao, kaya mas madali kaming nakapagkuwentuhan.Pagkaupo pa lang namin ay napatingin na agad si Marco sa hawak kong hot chocolate."Same drink," saad niya habang nakatingin sa paper cup ko. "Hindi ka pa rin nagbabago."Napangiti ako habang bahagyang itinataas ang cup."Ikaw naman. Hindi mo pa rin nakakalimutan.""Of course," wika niya habang nakasandal sa upuan. "Alam mo naman, hindi madaling makalimot ng mga bagay tungkol sa'yo."Napailing ako habang natatawa."Drama mo talaga.""Nagpapakatotoo lang ako,"
Read more