The DanceAvianna's POVIlang araw matapos ang business dinner, dumating ang gabi ng anniversary celebration ng Lincoln Group. Hindi ko alam kung bakit mas kinakabahan ako ngayon kaysa sa inaasahan ko.Marahil dahil iba ang gabing ito. Hindi lamang simpleng dinner kasama ang ilang business associates. Narito ang mga executive ng Lincoln Group, investors, business partners, mga kilalang pamilya, at ilang miyembro ng board. May mga photographer din na paikot-ikot sa venue, kumukuha ng mga larawan ng mga bisita at ng mga mahahalagang sandali ng programa.Sa gitna ng lahat ng iyon, nakatayo ako sa tabi ni Kyrex. Maayos ang pagkakasuot niya ng itim na suit habang ako naman ay paulit-ulit na inaayos ang laylayan ng damit ko kahit wala naman itong kailangang ayusin."You’re nervous," wika ni Kyrex.Napatingin ako sa kaniya."I'm not," saad ko.Bahagya niyang tinaasan ako ng kilay."You are.""I'm fine," mariin kong sagot.May maliit na ngiti sa kaniyang labi."You don't have to impress anyon
Read more