THE TRUTH I DIDN'T WANT TO ADMITAvianna's POVTahimik ang loob ng sasakyan habang pauwi kami mula sa charity bazaar.Nasa harap si Kyrex, parehong kamay na nakahawak sa manibela habang nakatutok ang mga mata niya sa kalsada. Sa tabi ko naman ay si Kiara, na kanina pa nagkukuwento tungkol sa mga nakita niya sa bazaar. Paminsan-minsan ay tumatawa siya kapag may naaalala, pero habang lumalayo kami sa event hall, unti-unti ring humihina ang boses niya."Ang dami talagang tao kanina," saad ni Kiara habang sumasandal sa backrest. "Akala ko hindi na tayo makakahanap ng parking.""Ikaw kasi ang nagpilit na pumunta tayo roon," tugon ko habang nakangiti."But you had fun," sagot niya.Napailing ako, pero hindi ko napigilang ngumiti. "Okay, fine. I did."Mula sa rearview mirror, nakita kong bahagyang gumalaw ang gilid ng labi ni Kyrex."At least may isang umamin," wika niya.Napatingin ako sa kaniya. "Excuse me?" tanong ko habang nakataas ang isang kilay."Nothing," sagot niya bago muling ibin
Read more