Awtomatikong kumunot ang noo ni Seraphina nang maramdaman niya ang bahagyang pagsipa ni Damian sa kanyang paa. Dahilan iyon para mapatingin siya rito nang may pagtataka."Bakit ba?" bulong niya rito. Ayaw niya kasing maabala sa pagkain ang kanyang biyanang babae at hipag. Ang kanyang biyanang lalaki naman ay hindi pa dumarating kaya sila-sila pa lang ang nasa hapag-kainan."Pakiabot naman ng adobo, please, wife…" anito at nginitian pa siya nang matamis. Kung hindi lang niya alam na ampalaya ito, baka nadala na siya sa mga ngiti nitong dahilan kung bakit nalalaglag ang panloob ng k*bit nito.Pero wait lang, mukhang pinaglalaruan na naman siya ng magaling niyang asawa. At dahil patola siya, puwes, makikipaglaro siya rito ng sweet-sweetan."Okay, hubby. May gusto ka pa ba?" puno ng lambing na tanong niya rito. Huwag lang sana silang langgamin sa ginagawa nilang pagpapanggap na sweet sa harap ng kanyang mga in-laws. Kung si Damian lang, puwede pa, pero siya? Pass na muna."Gulay, wifey,"
閱讀更多