Mariing napapikit ng mga mata si Seraphina ng tumama sa kanyang mukha ang sikat ng araw."Hubby…" tawag niya kay Damian."Wifey sandali lang," tugon nito bago niya narinig ang papalapit nitong yabag. "Ano 'yon? Nagugutom ka ba?" tanong nito."Yung bintana bukas, tumatama sa akin ang sikat ng araw hindi ako makamulat." Wika niya sabay turo sa bintana."Oh, sorry nakalimutan kong isara. Sandali lang," wika ni Damian kasunod ang pagkawala ng presensiya nito sa tabi niya. "Open your eyes na," anito kaya marahan siyang nagmulat ng mga mata."Nagugutom na ba ang misis ko? You want to eat? Nagluto ako ng paborito mong fried chicken saka spaghetti. Meron ding malamig na orange juice.""Talaga Hubby?""Of course! At habang narito ka sa ospital at nagpapagaling, ako muna ang mag-aalaga sa 'yo tulad ng pag-aalaga mo sa akin. And Wifey, pasensiya ka na kung nadamay ka sa gulo.""Hay… ano ka ba naman, Hubby… hindi mo kasalanan okay? At isa pa, kagustuhan kong sumama sa 'yo. Kung nasaktan man ako,
Read more