“Nandiyan na ang pambansang toothpick ng Pilipinas, si Darna!”Pinaikutan lang ni Daniella ng mata ang mga kaibigan niya. Kumpleto ang cast ng tropa niya: boy, girl, bakla, tomboy kulang na lang talaga ang butiki at tuko para makumpleto ang zoo nila. At siyempre, sa tindi ng kapayatan niya, siya ang opisyal na panundot ng tinga ng grupo. Walang pikatan, tanggap niya na mukha siyang walking skeleton na binihisan lang ng tela.“Taray, lady in red ang peg ng lola niyo! Ang aga ng Valentine’s, teh, ah? May balak ka bang manaksak gamit ang matatalas mong buto?” komento ni Lorna, sabay hagalpak ng tawa ng mga bakla. May kasama pang exaggerated na tili na parang mga naipitang tite, kaya lalo siyang napailing.Nasa loob sila ng Purple Haus, isang bar na pag-aari ni Lorna.“Saan si Maris?” tanong ni Daniella sabay bagsak ng clutch bag sa mesa na halos magiba ang wooden table.“Ay naku, hindi sumama ang gaga! Feeling ko may nakitang bagong pamatay-ginit at busy sa pakikipag-bayo ngayon,” sagot
Last Updated : 2026-06-15 Read more