Tumingin si Eiden kina Lander at Roan. Ang kaniyang mga mata na dating puno ng lamig ay bakas na bakas ngayon ang labis na pagnanais, pag-aalala, at purong katapatan.“I... I care about her so much,” maipit at pautal-utal na wika ni Eiden habang humahawak sa kaniyang dibdib, na tila ba masakit ang bawat paghinga roon. “Nasanay ako na narito siya... na nakatitig sa akin, na nakangiti sa akin tuwing umaga. Siya ang nagbigay kulay sa buhay ko…hindi lang pala sa buhay ko. Sa buhay rin mismo ng mga anak ko. Minahal niya at tinuring na kaniya ang mga bata. Araw-araw ay pinaparamdam niya sa amin na hindi man niya kadugo ang mga anak ko…na hindi man nagmula ang mga ito sa kaniya, ay isa kaming pamilya. Nasanay na ako sa presensya niya, sa yakap niya. At ngayong malamig siya sa akin, pakiramdam ko mawawala ako sa sarili ko. Masakit sa akin na hindi niya ako pinapansin, at nakatuon lang ang atensyon niya sa mga anak namin. Daig ko pa ang isang hangin. Mahal ko na si Kiara, Lander, Roan. Mahal
閱讀更多