Pagdating sa emergency room, agad na inasikaso ng mga doktor at nars si Kairo. Doon lang napaupo si Kiara sa bench na nasa gilid ng emergency room, tulala at basang-basa ng luha ang mukha niya habang pilit niyang pinapakalma si Kara.“Kiara,” si Jessa ang nagsalita. Napaangat ng tingin si Kiara at nakita niya si Jessa at ang iilan nilang katrabaho na nakatingin sa kanila. Dahan-dahang tumango si Kiara. “S-Salamat sa tulong niyo, ‘di ko alam kung ano ang gagawin ko kung hindi niyo ako tinulungan kanina.” “Ano ka ba, wala kang dapat ipagpasalamat. Ginawa namin ang kailangan naming gawin,” aniya ni Jessa. Bumuntong-hininga si Ciara. “Kiara, I am sorry. Hindi ko talaga alam na bawal pala sa gano’ng cake ang anak mo. Binigay ko ang cake bilang regalo sa inyo lalo na sa iyo. Bilang welcome gift. Hindi ko naman inaasahang mangyayari ‘yon.” Umiling si Kiara. “Wala kang kasalanan, Ciara. Ayos lang, salamat din at hindi kayo nagdalawang isip na tulungan ako. Maaari na kayong umuwi. Ako n
Baca selengkapnya