Kinaumagahan, dahan-dahang iminulat ni Eiden ang kaniyang mga mata. Agad na sumakit ang kaniyang ulo at naramdaman ang matinding kirot sa kaniyang noo—ang pamilyar na epekto ng matinding hangover. Bago pa man siya makagalaw, naramdaman niyang maayos na nakatakip ang kumot sa kaniya, malinis ang kaniyang damit, at may malamig na bimpo sa kaniyang tabi.Bumaba si Eiden mula sa silid at dahan-dahang naglakad patungo sa kusina. Pagpasok niya roon, agad na humalimuyak ang amoy ng mainit at masarap na sabaw. Naroon si Kiara, nakasuot ng simpleng apron nakatayo, at tinitignan ang pagkaing niluluto. Lumingon si Kiara at nang makitang nakatayo roon ang asawa na hawak ang ulo, dahan-dahan itong lumapit na may dalang baso ng warm lemon water at itinapat iyon sa kaniya.“Gising ka na pala,” bati ni Kiara. “Uminom ka muna ng tubig. Ipinagluto rin kita ng hangover soup para mabawasan 'yang sakit ng ulo mo.”Bahagyang nanlaki ang mga mata ni Eiden sa gulat. Natulala siya habang nakatitig sa asawa
閱讀更多