"Mommy Kiara, totoo po ba? Sabi po ni daddy, simula ngayon dito na po kayo matutulog? Hindi na po kayo uuwi sa house mo?" biglang tanong ni Kara habang may bahid pa ng ketchup sa gilid ng labi.Nabulunan nang bahagya si Kiara sa tanong ng bata, kaya agad siyang uminom ng tubig. Agad namang napatingin si Eiden sa kaniyang anak, bago niya binalingan si Kiara na kasalukuyang namumula ang mga pisngi."Ah... oo, Kara. Dito na ako titira kasama niyo," sagot ni Kiara nang mahimasmasan siya, sabay sulyap kay Eiden. "Yehey! May magkukuwento na po sa amin bago matulog! Kasi si daddy, palagi po siyang gabi na umuuwi galing sa work," masayang sabi ni Kairo."Kairo," babala ni Eiden na may kasamang seryosong tingin sa anak upang hindi na humaba ang usapan tungkol sa trabaho niya."Hayaan mo na, Eiden. Namimiss ka lang siguro nilang kalaro," wika ni Kiara, habang marahang pinupunasan ng tissue ang dumi sa labi ni Kara.Matapos ang almusal, nagboluntaryo si Kiara na maghugas ng pinagkainan haban
Read more