Puno ng mga pamilya at maiingay na bata sa loob ng fast food chain. Isa iyong mundong labis na banyaga para kay Eiden. Habang naghahanap ng bakanteng upuan si Kiara kasama ang kambal, naiwan si Eiden sa mahabang pila upang mag-order ng mga pagkaing isinulat ni Kiara sa isang pirasong papel: Chickenjoy meal para sa mga bata, spaghetti, at burger steak.Nang sa wakas ay makaupo na sila sa isang sulok malapit sa salamin, abalang-abala ang kambal sa pagtingin sa paligid. Namamangha sila sa mga makukulay na disenyo at sa mga batang may hawak na lobo."Mommy, ang bango naman po rito," bulong ni Kara habang nakasandal siya sa braso ni Kiara."Masarap talaga rito, baby. Kaya huwag kayong mag-alala, busog kayo ngayon," nakangiting sagot ni Kiara habang pinapanood niya si Eiden na pabalik na sa kanilang lamesa. Bitbit nito ang isang tray na puno ng pagkain.Inilapag ni Eiden ang tray nang may kaunting pag-aalangan. Tila ba natatakot siyang madumihan ang kaniyang kamay sa taba ng manok, ngunit p
Read more