Pagpasok ng sasakyan sa subdivision, agad na napansin ng dalawang bata ang nagbago sa kanilang kapaligiran. Mas tahimik dito, mas malawak ang daan, at maraming puno."Wow... Daddy, rito na po tayo titira?" manghang-manghang tanong ni Kairo habang nakadungaw sa bintana ng kotse nang huminto sila sa tapat ng Staff House No. 4."Oo. Dito na," sagot ni Eiden habang ipinaparada niya ang sasakyan sa maliit na garahe."Yehey! Ang ganda po, daddy! May maliit na garden!" masayang sigaw ni Kara.Bumaba silang lahat. Habang excited na pumasok ang mga bata sa loob ng bahay bitbit ang kanilang mga bagong bag ng pagkain, naiwan muna sina Eiden at Kiara sa likod ng kotse para buksan ang compartment. Sinalubong sila ng tatlong malalaking balikbayan box at mga maleta ni Kiara."O, paano ba 'yan? Sabi ko sa'yo, ako na ang bahala sa mga mabibigat, 'di ba?" panunukso ni Kiara habang itinataas ang kaniyang mga manggas, handa nang magbuhat. "Hati tayo. Seryoso ako, Eiden, kaya ko 'to.""Pumasok ka na sa lo
Read more