“O siya, sige na. Mabuti na lang at walang ibang customer na nakakita ng nangyari,” buntong-hiningang sabi ni Brenda. “Dahil magulo pa ang isip mo at may mga galos ka rin, papayagan muna kitang mag-out nang maaga ngayong araw. Umuwi ka muna, asikasuhin mo ang mga anak mo, at magpahinga. Bukas na lang natin pag-uusapan ang iba pa.”“Maraming salamat po, Manager,” taos-pusong sagot ni Kiara.Paglabas ni Kiara ng opisina, agad niyang nakita ang kambal na tahimik na nakaupo sa sofa sa staff lounge. Abala ang dalawa sa pagnguya ng biskwit habang mahigpit pa ring yakap ang kani-kanilang unan. Dumiretso muna si Kiara sa locker upang kunin ang kaniyang bag at iba pang gamit. “Kara, Kairo, let's go. Uwi na tayo,” mahinahong tawag niya. Agad namang tumayo ang kambal at sumunod sa kaniya.Habang bumababa sila sa escalator patungo sa first floor, biglang nag-vibrate ang cellphone ni Kiara sa loob ng kaniyang bag. Nang tingnan niya ang screen, nakita niyang si Eiden ang tumatawag.“Hello, Eiden?”
続きを読む