Pagkarating nina Eiden, Kiara, Kara at Kairo sa compound ng munisipyo, saktong 10:20 AM na. Agad silang sinalubong ni Attorney Ramos na pormal na pormal ang suot na coat at tie, hawak ang isang makapal na brown envelope.“Sir Eiden, Ma’am Kiara, sa wakas ay nandito na kayo. Hinihintay na po kayo ng Solemnizing Officer sa loob,” bati ng abogado, na saglit na napatingin kay Kiara at bahagyang nagulat sa ganda ng dalaga ngayon. Ngunit agad din siyang nagbawi ng tingin dahil sa talas ng sulyap ni Eiden.“Pasensya na, attorney, tinanghali kami ng gising dahil sa pagod kagabi,” hinging-paumanhin ni Kiara habang inaayos ang buhok ni Kara.“Walang problema, ma’am. Nakaayos na ang lahat ng papeles, pirma niyo na lang dalawa at ng mga testigo ang kulang,” nakangiting sagot ng abogado habang iginigaya niyang pumasok sina Eiden at Kiara sa isang pribadong silid sa ikalawang palapag.Hindi iyon ang karaniwang opisina na pinagkakasalan ng marami na may mahabang pila. Sa halip, dinala sila ni Attorn
Read more