“Hindi, kakaakyat ko lang. Nagtataka kasi ako kung bakit ang tagal mong bumaba. Baka lumamig na iyong pagkain natin.” “Ahh…” Nakahinga ng maluwag si Kiara, bahagya siyang bumaling kina Kairo at Kara. “Mga anak… hindi ba may sasabihin kayo kay Daddy niyo?” Tumikhim si Eiden. “Ano ‘yon?” Sumulyap si Kairo sa kaniyang ama, at nahihiyang nag-iwas ng tingin. Saka niya tiningnan si Kara. “Ikaw na ang unang magsalita.” Kumunot naman ang noo ni Kara. “Bakit ako?” “‘Wag na kayong magtalong dalawa. Sabay kayong magsalita para wala nang away,” singit ni Kiara. Nahihiyang tumungo naman si Kairo. “S-Sorry sa ginawa namin, Daddy.” “Sorry po, Daddy!” malambing na wika naman ni Kara. “Hindi na po ako magiging bad po, promise!” Hinaplos ni Kiara ang buhok ni Kara. “Very good, Kara.” Bumaling naman siya kay Kairo, “Very–” Hindi natapos ni Kiara ang sasabihin niya nang magsalitang muli si Kairo. “Hindi ko na po uulitin ang pagtakas namin ni Kara, Daddy. Sorry po,” sinserong wika ni Kairo. Hi
Read more