“Daddy, are you sure na riyan ka lang? Ayaw mo kaming kayakap?” untag ni Kara, may bakas ng panghihinayang sa boses. Habang si Kairo naman ay nananatiling walang imik. Mahigpit lang itong nakakapit sa laylayan ng damit ni Kiara, na tila ba sa isang iglap ng pagbitaw ng ina nila ay bigla na lang mawawala ang kanilang ina. “Oo, kita niyo naman, o?” wika ni Eiden sabay turo sa kama. “Napakaliit ng kama para sa ating apat. Masyado akong malaki, at sabi niyo noong nakaraan, ‘di ba? Na malikot ako matulog. Paano kung madaganan ko kayo?” “Okay po!” sagot ni Kara, saka nauna nang mahiga. Napailing na lang si Kiara, saka nahiga na rin. Napapagitnaan siya ng kambal, at ang kambal ay mahigpit na nakayakap sa kaniya. Animo’y natatakot na mawala siya. Hindi na siya nagreklamo pa. Ang totoo ay natutuwa siya sa higpit ng mga yakap nila. Nararamdaman niya na mahalaga siya sa kambal. Kaya niyakap niya rin ang mga ito. “Matulog na tayo?’ tanong ni Kiara. “Opo, Mommy!” sagot ng kambal. Samantala,
Baca selengkapnya