“Young master, senyora, ito na po ang magiging kwarto ninyo.”Dahan-dahang itinulak ng head butler ang dambuhalang double doors ng East Wing master suite. Sa isang iglap, bumalandra sa kanila ang isang kwartong mas malaki pa ata sa dalawang palapag na bahay nila sa coastal road. May sarili itong lounge area, mini theater set-up, floor-to-ceiling glass windows na nakatapat sa skyline ng Berlinton City, at isang sosyal na king-sized bed.Hindi na nakapag-pigil si Akki. Mabilis niyang itinapon ang kanyang mini trolley case sa marble floor, hinubad ang kanyang ultra-sleek sunglasses, at patakbong sumugod patungo sa kama. Agad niyang ibinagsak ang kanyang katawan sa gitna ng kutson, saka tumalbog-talbog nang tatlong beses.“Grabe! Mom! Feel the density of this mattress! This is at least 800 thread-count Egyptian cotton! Yung tipong pagkagising mo bukas, fully recharged ang brain cells mo, converted into pure productivity! I swear, this is the best business decision I’ve ever made in m
Baca selengkapnya