Pagkatapos ng insidente sa Expo, naka-pout na ngayon si Faith habang nakasalampak sa velvet couch. Halos umusok talaga ang ilong niya sa galit. Sa harap niya ay si Victor, na kalmado namang umiinom ng champagne, kahit mabigat din ang aura. "Ghad, Victor! Hindi ko matanggap!" nanggigigil na reklamo ni Faith, umiiling-iling sabay kalkal sa sariling buhok sa sobrang inis. "Nahihiya ako! Pinahiya ako ng probinsyanang yun at nung brat na batang yun sa harap ng buong industry! Like, hello? Sino ba sila para tawaging 'Lost Royal Family of AstraMind' ha?" "Chill ka lang, Faith. Uminom ka muna," pampalubag-loob ni Victor habang inaayos ang cuffs ng suit niya. "Isang business transaction lang si Lady Evelyn. Nagpabola lang yun sa bata. At the end of the day, nasa atin pa rin ang core investors. Na-secure na natin ang karamihan ng partners nila. Wini-win natin ang board room, kaya hayaan mo na silang mag-ilusyon sa red carpet." Pero hinding-hindi mapakali si Faith. Nag-aalboroto talaga an
Read more