Maximus Nagtatalo ang kagustuhan ko; ang pagnanais na patigilin ang oras upang pahalagahan ang bawat tibok ng puso ko o ang bawat hininga para sa anumang nakatakdang mangyari.Napakatagal kong hinintay ang sandaling ito kasama si Gazelle. Sobrang tagal… My admiration for her stirred the moment she stepped gracefully from girlhood into womanhood, and from that day on, I knew, deep in my soul, that feeling would never fade, not in this lifetime, not even if the world crumbled to dust around us.Sa nakalipas na ilang araw, naibigay ko na kay Gazelle ang lahat ng kaya kong ialay: ang aking oras, atensyon at ang puso ko. Bawat bahagi ng katawan ko ay nananabik sa kanya, ang aking dibdib, ang kaluluwa ko, ang lahat-lahat. Maingat ko siyang inilapag sa kama, nangangatog ang mga daliri ko nang yumuko ako upang halikan siya... isang malalim at desperadong halik.Inisa-isa niya ang pagbukas ng butones ng suot kong polo hanggang sa madama ko ang kanyang palad na humahaplos sa aking dibdib. “
Last Updated : 2026-10-12 Read more