ALEXANDRA POINT OF VIEWPagkababa ko mula sa balkonahe, dinala ko agad ang tray ng tsaa sa kusina. Nanginginig pa rin ang mga daliri ko, hindi dahil sa lamig ng hangin sa labas, kundi dahil sa huling sinabi ni Dominic. Seryoso ba talaga siya? Alam na ng mga tao niya kung nasaan si Papa?Gusto kong magtatatalon sa tuwa dahil kahit papaano, buhay ang matanda. Pero kasabay nun, may kakaibang kaba na naman na sumisiksik sa dibdib ko. Bakit ginagawa ni Dominic ito? Pwede naman niya akong hiyain, pwede niyang sabihin na kasabwat ako ng tatay ko para nakawan ang kumpanya niya, pero pinili niyang sabihing responsibilidad niya ako. Iba ang tabas ng dila niya kapag nag-uutos, pero iba naman ang ipinapakita ng mga kilos niya."Alexandra, ayos ka lang ba? Mukha kang nakakita ng multo riyan," untag sa akin ni Manang Saling habang naghihiwa ng mga rekado para sa hapunan."Naku, wala po ito, Manang. Medyo napaisip lang po sa sinabi ni Sir Dominic kanina," sagot ko habang tinutulungan siyang mag-ayo
Read more