LOGINPara mabayaran ang sampung milyong pisong utang ng kanyang ama, napilitan si Alexandra Reyes na tanggapin ang isang kakaibang kasunduan. Dinala siya sa isang pribadong isla para maging personal na katulong ni Dominic Alorte—isang sikat, mayaman, at kinatatakutang tech tycoon. Sa lupit at lamig ng trato sa kanya ni Dominic, alam ni Alexandra na hindi magiging madali ang buhay niya sa isla. Ngunit bago pa man siya sumuko sa takot, aksidenteng natuklasan ni Alexandra ang isang madilim na nakaraan at lihim na kahinaan na pilit itinatago ng bilyonaryo. Imbes na palayasin, pinilit siya ni Dominic na pumirma sa isang non-disclosure agreement (NDA) kapalit ng kanyang pananahimik. Habang patuloy siyang sinusubok ng mga mabibigat na utos at laro ni Dominic sa loob ng mansyon, unti-unting mapipilitan si Alexandra na manindigan at labanan ang takot niya rito. Sa pagitan ng magkaiba nilang mundo, magsisimula ang isang mapanganib na laro ng tiwala at emosyon. Hanggang kailan matitiis ni Alexandra ang ugali ni Dominic kung siya lang ang nakakaalam sa totoong pagkatao nito? Sa huli, sino nga ba ang totoong talo—ang katulong na kontrolado ang buhay, o ang bilyonaryong unti-unting nahuhulog sa taong pilit niyang pinahihirapan?
View MoreALEXANDRA POINT OF VIEWHawak ko ang mamahaling leather jacket ni Vanessa, at halos manginig ang mga kamay ko—hindi dahil sa lamig ng aircon o ng hangin mula sa labas, kundi sa nagpupuyos na galit at gulat na nararamdaman ko ngayon.Seryoso ba 'to? Pagkatapos ng lahat ng ginawa ng tatay niya kay Papa sa Maynila, pagkatapos ng muntikang pagpatay at pananakot, heto siya ngayon sa harap ko. Naka-pulang dress, mukhang lalong gumanda ang kutis, at mayabang na nakatitig sa akin na parang ako ang pinakamababang uri ng basura sa ilalim ng sapatos niya."Vanessa," malamig na boses ni Dominic ang bumasag sa katahimikan ng sala. "Cut the drama. Gabo, dalhin mo ang mga gamit niya sa dulo ng guest wing."Hindi kumilos si Atty. Gabo agad. Tumingin muna siya sa akin na may halo ng awa at paumanhin sa kanyang mga mata. Alam kong wala rin siyang magagawa kung anuman ang naging desisyon ng kliyente niya. Kung ano man ang pinagkasunduan nina Dominic at Vanessa doon sa
ALEXANDRA POINT OF VIEWMabilis ang tibok ng puso ko habang pababa ng hagdan. Hindi ako makapaniwala sa narinig ko sa tapat ng library. Si Dominic... inililipat ang ilang assets niya sa pangalan ko? Para sa proteksyon ko kung sakaling may mangyari sa kanya o sa kumpanya niya?Bakit niya ginagawa 'to?Galit siya sa akin. Malinaw ang pagkakasabi niya kaninang umaga na ibalik ang pader sa pagitan namin. Ipinamukha niya sa akin na katulong lang ako na narito para magbayad ng utang. Pero sa likod ng mga matatalim niyang salita at malamig na pakikitungo, palihim niya pa rin akong sine-secure. Palihim niya pa ring inaayos ang buhay namin ni Papa para siguraduhing hindi na kami aapihin ng kahit sino.Mas lalo akong nakaramdam ng matinding guilt. Para akong sinasaksak ng sarili kong konsensya. Gusto kong umakyat muli sa library, pumasok sa loob nang walang katok, at yakapin siya para magpasalamat. Gusto kong sabihin sa kanya na hindi niya kailangang gawin 'yon, na
ALEXANDRA POINT OF VIEWHalos hindi ako nakatulog buong gabi. Paulit-ulit na bumabalik sa utak ko yung lamig ng boses ni Dominic bago siya inatake ng panic attack niya kagabi. Gawin mo ang trabaho mo, at gagawin ko ang sa akin. Masakit, pero alam kong wala akong karapatang magreklamo. Ako ang sumira sa tiwalang dahan-dahan nang nabubuo rito sa isla, kaya normal lang na ibalik niya ang pader na naghihiwalay sa aming dalawa.Nang tumunog ang alarm ko ng alas-singko ng umaga, mabilis akong bumangon. Nilagay ko sa gilid ang lahat ng personal kong nararamdaman. Kailangan kong patunayan sa kanya na kahit anong mangyari, handa kong tapusin ang kontrata ko nang maayos at propesyonal.Pagkababa ko sa kusina, sinalubong ako ng amoy ng bagong brewed na kape at sinangag. Naka-set up na rin ang ilang plato sa mesa."O, Alexandra, gising ka na pala," bati sa akin ni Manang Saling habang nag-aayos ng mga prutas sa gilid. "Maaga rin nagising si Sir Dominic. Mukhang hindi
ALEXANDRA POINT OF VIEWTinitigan ako ni Dominic, at sa isang saglit, nakita ko ang galit na humalo sa gulat sa mga mata niya. Imbes na ituloy ang pagsasara ng pinto, hinablot niya ang pulso ko at marahas akong hinila pumasok sa loob ng study room. Padabog niyang isinara ang pinto sa likod ko."Are you out of your mind?!" sigaw niya, halos mayanig ang mga dingding sa tindi ng boses niya. Binitawan niya ang pulso ko na parang napapaso. "Kung hindi ko pinigilan ang sarili ko, naipit na iyang kamay mo! Gusto mo ba talagang dagdagan ang mga problema ko?"Akala ko talaga maiipit na ako. Pero mas masakit pala yung paraan ng pagbitaw niya sa akin ngayon—malamig, walang pakialam, at puno ng disgusto.Napahawak ako sa pulso ko habang pilit na pinatitigil ang panginginig ng mga tuhod ko. Tiningnan ko siya nang diretso. Nakatayo siya sa tapat ko, mabilis ang pagbaba-taas ng dibdib niya habang hawak pa rin ang baso ng alak."Sorry," mahina kong simula. "Sorry kung naging padalos-dalos ako. Sorry
ALEXANDRA POINT OF VIEWPauwi sa isla, walang umiimik sa aming dalawa sa loob ng chopper. Tumingin ako sa bintana, pinagmamasdan ang asul na dagat sa ilalim, pero ang utak ko, parang sasabog na. Kalahating milyon para lang sa isang damit? Designer brand nga, pero tela pa rin ’yon! At ang malala, id
ALEXANDRA POINT OF VIEWGrabe, ang sarap dukutin ng mga mata ng babaeng ’to. Kung makatingin siya sa akin, parang may nakita siyang basahan sa sahig. Ordinary? Masama na ba ang maging simple ngayon? At least ako, natural ang mukha, hindi katulad niyang mukhang binabad sa gluta at highlighter ang pi
ALEXANDRA POINT OF VIEWHalos hindi ako nakatulog semilya kagabi. Tuwing ipipikit ko kasi ang mga mata ko, nararamdaman ko pa rin ang mabilis na tibok ng puso ni Dominic sa ilalim ng mga palad ko. Sino ba namang mag-aakala na ang isang lalakeng kayang magpabagsak ng mga kumpanya sa isang salita lan
ALEXANDRA POINT OF VIEWNanigas ako sa pwesto ko. Ang tanging naririnig ko na lang sa buong kwarto ay ang hampas ng ulan sa bintana at ang gipit na paghinga ni Dominic. Parang bawat segundo, paubos nang paubos ang hangin sa paligid niya.Kinapa ko ang bulsa ng apron ko. *Salamat sa Diyos, dala ko a


















Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.