“Hindi pa ba sapat ang lahat ng ginawa mo sa akin, Rafael?!” Halos maubusan ng boses si Destiny sa galit at sakit. “Ilang taon kong tiniis ang lamig mo, ang paulit-ulit mong pagtataksil, at ang paulit-ulit na pagdurog mo sa puso ko! Kahit kailan, hindi mo man lang inisip kung ano ang nararamdaman ko!”Napahigpit ang kamao niya habang pinipigilan ang sarili na maiyak.“Pero hindi ka pa nakuntento roon. Kinulong mo ako, kinontrol ang bawat galaw ko, at pinagkaitan ng kalayaan na magdesisyon para sa sarili ko! Sino ka ba para gawin sa akin ang lahat ng ’yon? Asawa mo ako, Rafael, hindi mo pag-aari!”Tuluyan nang tumulo ang mga luha ni Destiny. Ilang taon niyang kinimkim ang sakit, pero ngayon, hindi na niya kayang sarilinin pa ang lahat.
Last Updated : 2026-10-22 Read more