Done Being Submissive: The Billionaire’s Secret Wife Strike

Done Being Submissive: The Billionaire’s Secret Wife Strike

last updateDernière mise à jour : 2026-06-22
Par:  Vienna CrossMis à jour à l'instant
Langue: Filipino
goodnovel16goodnovel
Notes insuffisantes
6Chapitres
3Vues
Lire
Bibliothèque

Partager:  

Report
Overview
Catalog
Scanner le code pour lire sur l'application

Tatlong taon naging asawa ni Destiny Mercado si Rafael Buenavista, pero ni minsan ay hindi siya ipinakilala nito sa publiko. Mas masakit pa, kumalat ang chismis na siya raw ang kabit, habang ang tunay na mahal ni Rafael ay ang kababata nitong si Celeste Villareal. Pero nang tuluyan nang bumitaw si Destiny at bumalik sa showbiz, doon lang nagsimulang matauhan si Rafael. Isa-isang napanalunan ni Destiny ang mga parangal bilang Best Actress, at mas lalo pang sumikat ang pangalan niya sa showbiz industry. Kaya nang muling lumuhod si Rafael at inalok si Destiny ng kasal, malamig lang itong ngumiti. “You’re too late, Rafael. The woman who loved you is already gone.”

Voir plus

Chapitre 1

CHAPTER 1

Mag-isang nakaupo si Destiny Mercado sa isang mamahaling restaurant sa BGC. Katapat niya ang bakanteng upuan at ang basong tubig na para sana sa asawa niyang si Rafael Buenavista.

Kanina pa siya naghihintay.

Ilang beses na niyang sinulyapan ang pinto. Ilang beses na rin niyang kinumbinsi ang sarili na baka parating na ito. 

Hanggang sa biglang nag-vibrate ang cellphone niya. Napalingon agad si Destiny sa screen dahil akala niya, si Rafael na.

Ngunit sa halip na pangalan ng asawa niya, isang notification mula sa social media ang bumungad sa kanya.

Isang trending post mula sa isang kilalang entertainment page.

Bahagyang kumunot ang noo ni Destiny. Pero nang mabasa niya ang pangalan ni Rafael, tuluyan siyang natigilan.

Nanginginig ang daliri niyang pinindot ito.

At doon niya nakita ang larawan ni Rafael sa NAIA. Naka-black suit ito, malamig ang mukha, ngunit maingat na inaalalayan ang isang babaeng kakalabas lang ng arrival area.

At sa taas ng post, nakasulat ang headline:

#RealWifeOrMistress: Destiny Mercado, kabit nga ba ng CEO na si Rafael Buenavista?

Sumunod agad ang isa pang trending topic.

#AirportSweetheart: Binalikan na ni Rafael Buenavista ang totoong minahal niya?

Nakatitig lang si Destiny sa mga trending topic na bawat segundo ay pataas nang pataas ang bilang. Napatawa siya nang mahina, at parang may namuong luha sa mga mata niya.

Wedding anniversary sana nila ngayon ni Rafael.

Maaga pa lang ay nakapagpa-reserve na siya sa restaurant. Ilang beses pa niyang kinumpirma ang schedule ni Rafael.

Naghintay siya mula tanghali hanggang alas-tres ng hapon. At gaya ng inaasahan, hindi ito dumating.

Ang tanging tawag na natanggap niya ay mula sa assistant nito. Sabi, may pinakaimportanteng taong kailangan sunduin si Mr. Buenavista kaya hindi siya makakarating.

Sanay na si Destiny na umintindi. Kahit masakit, ngumiti pa rin siya at sinabing ayos lang, kaya niyang maghintay.

Pero ngayon niya lang naintindihan na ang importanteng tao pala ay ang childhood sweetheart ni Rafael. Ang babaeng matagal na niyang lihim na minahal.

Noong kinasal sila, wala silang maayos na wedding ceremony. Hindi siya kailanman dinala ni Rafael sa kompanya. Ni minsan, hindi rin siya ipinakilala sa social circle nito.

Matagal nang sanay si Destiny na manatiling invisible sa lahat. Pero hindi niya inasahan na balang-araw, siya pa ang tatawaging kabit.

Para sa isang artista, nakamamatay ang ganitong klaseng balita.

Tahimik niyang kinuha ang bag niya at tumayo mula sa mesa. Hindi na niya hinintay ang waiter. Hindi na rin niya kayang manatili pa sa restaurant na iyon, habang patuloy na umaakyat ang pangalan niya sa trending list.

Paglabas niya, malamig na hangin ng BGC ang sumalubong sa kanya.

Sa gilid ng kalsada, nakaparada ang van na ginagamit niya tuwing may shoot o event. Nang bumukas ang pinto, agad niyang nakita ang manager niyang si Celine sa loob, hawak ang phone at halatang hindi mapakali.

“Destiny,” salubong agad nito, “nakita mo na?”

Tahimik na pumasok si Destiny sa van at umupo. Hindi siya agad sumagot. Kaya mas lalong nag-alala si Celine.

“Kailangan mong tawagan si Mr. Buenavista ngayon din,” seryoso sabi ni Celine. “Tanungin mo kung ano ang nangyayari. Mas mabuti kung ang PR team ng Buenavista Global ang hahawak nito bago pa lumala.”

Natigilan si Destiny.

Kahit nahuhulaan na niya ang magiging sagot, tinawagan pa rin niya ang numero ng assistant ni Rafael. Dalawang ring pa lang, binaba na ang tawag.

“Hindi sinagot ni Mr. Buenavista?” tanong ni Celine.

Mahigpit na hinawakan ni Destiny ang cellphone bago dahan-dahang bumitaw. Kahit sa sariling manager niya, nahirapan siyang sabihin ang totoo.

“Hindi sinasagot ng assistant ni Rafael ang tawag ko,” malungkot na sagot ni Destiny.

“Ano? Bakit hindi ka dumiretso kay Rafael?” kunot noong taong ni Celine.

Matagal pa bago sumagot si Destiny. “Ang totoo niyan, hindi ako pinayagan ni Rafael na dumirekta sa kanya, lahat kailangan idaan sa assistant niya.”

Napahawak si Celine sa sentido niya. Halos mabaliw na siya rito.

Legal na asawa ni Rafael Buenavista si Destiny. Pero anong klaseng asawa si Rafael kung kailangan pang dumaan si Destiny sa assistant nito para lang makausap ang sarili niyang asawa?

At kahit assistant lang ni Rafael, hindi man lang siya sinagot?

Seryosong sabi ni Celine, “Destiny, kababalik mo lang ulit sa showbiz. Hindi maganda na ganitong balita agad ang lalabas tungkol sa’yo.”

Huminga nang malalim si Destiny. Pagkatapos, direkta niyang tinawagan ang personal number ni Rafael.

Makalipas ang ilang segundo, isang mababa at malamig na boses ang sumagot.

“Sino ’to?”

Mahigpit ang security system ni Rafael. Hindi lalagpas sa isang daan ang naka-save na number sa personal phone nito. At malinaw na hindi kasama roon si Destiny.

Bahagyang nanginig ang puso ni Destiny nang marinig ang boses ng asawa. Karaniwan, pangalan lang ang tawag niya kay Rafael. Pero ngayong alam niyang kasama nito ang ibang babae, bigla siyang nangulila at gusto niyang maramdaman ang pagiging Mrs. Buenavista.

Mahina niyang sabi, “H-Honey… ako ’to.”

Sandaling natahimik ang kabilang linya.

Pagkatapos, malamig nitong sinabi, “Sinabi ko na sa’yo dati. Huwag mo akong tawagin nang ganyan kapag nasa labas ako.”

Parang biglang naubos ang lakas ng loob ni Destiny. Napalunok na lang siya.

Kinagat niya ang labi bago nagsalita. “May kumuha ng litrato sa’yo sa airport. Kumakalat na online. Puwede bang pakiusap sa PR team ng Buenavista Global na—”

Hindi pa siya tapos magsalita nang may narinig siyang malambing na boses ng babae sa kabilang linya.

“Rafael, sino ’yan?”

Bahagyang kumirot ang dibdib ni Destiny. Pagkatapos ay narinig niya ang sagot ni Rafael.

“Nothing.”

Napatawa nang mahina ang babae. “May nagche-check ba sa’yo? Ang cute naman. Twenty-first century na, uso pa rin pala ’yan?”

May binulong si Rafael dito, tila pinapakalma ito. Pagkatapos, malamig niyang kinausap si Destiny.

“Kung may kailangan ka, pumunta ka sa kompanya.”

“Rafael, kasi tre—”

Pinatay na nito ang tawag.

Ilang sandaling nakatitig lang si Destiny sa cellphone niya. Pagkatapos, binuksan niya ulit ang trending topic.

Sa kumakalat na post, makikita si Rafael na nakaitim na suit habang maingat na pinoprotektahan ang ulo ng babae bago ito pumasok sa sasakyan.

Hindi kita ang mukha ng babae, pero halatang maliit, maputi, at mukhang mahinhin kaya madaling kaawaan. Noong napansin nitong may media, nagulat muna ito, pagkatapos ay ngumiti at kumaway.

Libo-libo na ang comments sa ilalim ng post na iyon.

[Grabe, likod pa lang ni Mr. Buenavista, ang lakas na ng dating.]

[Ang sweet ng first love niya! Bagay na bagay sila. Sila na ang couple of the year!]

[Pero nasaan na ba ang kabit? @DestinyMercado]

Binuksan ni Destiny ang pinto ng kotse.

Napatingin sa kanya si Celine. “Saan ka pupunta?”

Hindi agad sumagot si Destiny.

Kinuha niya ang cellphone niya at mabilis na nag-book ng Angkas ride. Tahimik ang mukha niya, pero mahigpit ang kapit niya sa phone.

“Mauna ka na,” mahinahon niyang sabi.

Napakunot ang noo ni Celine. “Pero, Destiny…”

“Hihintayin ko siya sa kompanya,” dagdag ni Destiny, bago tuluyang bumaba ng kotse.

Déplier
Chapitre suivant
Télécharger

Dernier chapitre

Plus de chapitres

Aux lecteurs

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


Pas de commentaire
6
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status