Kumalabog ang bag ko nang padabog kong ibinagsak iyon sa sahig pagkapasok na pagkapasok ko sa silid. I felt so overwhelmingly stressed, exhausted, and drained. Parang ang bigat-bigat ng buong mundo at nakakapagod na ang lahat—ang mga panggigipit ng ama ko, ang gulo sa pamilya ni Mommy, ang huwad na issue kay Noriel, at ang magulong sistema ng relasyon namin ni Tyron.Binalingan ko ang mga mabibigat na yabag na patuloy na nakasunod sa akin, at nanlilisik ang mga matang binalingan ko siya."Get out!" banta ko, habang mariing nag-iigting ang mga panga ko sa galit.Tumama sa akin ang mga matang may kaparehong sidhi ng galit at pagod. Madilim ang mga iyon, at ang panga niya ay nanginginig din sa di-maipaliwanag na emosyong dinadala."I want to rest now, Del Rico," malamig at pinal kong sambit.Hindi man lang siya nakinig. Instead, he kept walking closer and closer, forcing me to retreat until I backed away straight into my bedroom. Nakasunod pa rin siya nang sunod. He had used his big bike
Última actualización : 2026-11-05 Leer más