CHAPTER 19: PROTECT Matapos kunin ang in-order ni Tyler sa isang pastry shop, ay nakatanggap siya ng hindi inaasahang tawag mula sa lola ni Lila—si Lola Lisa. Nagtaka naman si Tyler dahil dis-oras na ng gabi at tumatawag ito. Mabilis niya itong sinagot na may ngiti sa labi. Ngunit bigla ring nawala ang ngiti niya nang marinig ang boses ni Anita, ang kasambahay ni Lola Lisa. "Hello po, sir... Si Anita po ito, iyong kasambahay ni Lola Lisa. Kasi po, sir, kanina ay kausap ni Ma'am ang ex niya na si Sir Ethan. Tapos po, nang puntahan ko sana sila sa likod-bahay, narinig ko po ang sigaw ni Ma'am. Mukhang galit na galit po siya kay Sir Ethan. Ang sabi po ni Ma'am, binastos daw po siya ni Sir Ethan," mahabang paliwanag ni Anita. Kinakabahan din ito, at bakas sa tinig nito ang panginginig. "Hindi ko po ito alam ni Lola Lisa. Natatakot po ako na baka atakihin siya kapag nalaman niya. Wala po kasi akong numero ninyo, kaya kinuha ko po ang cellphone ni Lola," dagdag pa nito. "Salamat
Dernière mise à jour : 2026-07-15 Read More