CHAPTER 38: DINNER DATE Dinala ako ng drayber sa venue kung saan kami mag-di-dinner date ni Tyler. Hindi ko alam kung anong meron sa kanya at bigla na lang akong inaya n mag-date, pero napapansin ko na sobrang tamlay na niya. Alam ko naman kung bakit siya ganun, dahil siguro sa late na siyang umuuwi, tapos pinaparusahan pa niya si Ethan. I actually talked to Kuya Dino, if may alam ba siya, pero wala naman siyang sagot. Or ayaw niya lang sabihin ang totoo? Bakit kailangan pa nilang mag-sinungaling? I already know the truth. And until now, wala pa rin balita kay Ethan. Natatakot ako na baka mapatay ni Tyler si Ethan. "Ma'am, nandito na po tayo..." usal ng drayber. Sa lalim ng iniisip ko hindi ko na namamalayan na dumating na pala kami. "Salamat, Manong.." ani ko, at bumaba na ng sasakyan. It's a five star hotel. I've been here before, pero ibang occasion naman iyon. Ngayon, I am spending time with Tyler—as date. First ever date namin ito. Sa sobrang ingat niya noon na hindi
Last Updated : 2026-08-22 Read more