THEO POV“Thank you for the ride!” Nakangiting sambit ni Elisha.“Hindi ako tumatanggap niyan, kailangan ko ng bayad,” saad ko.“Grabe ka! Ang yaman mo na eh.”“I think dinner after work will do,” natatawang anas ko.Saglit itong natahimik na parang nag-iisip. “May pagpipilian ba?”“Yes or yes.”At sabay kaming tumawa.“Hindi ka ba busy?”Umiling naman ako. “Kailan ba ako naging busy pagdating sa’yo?” sabi ko.“Noong mga nakaraang linggo?”“Wow? Parang sarili mo naman tinutukoy mo,” pang-aasar ko sa kanya dahilan para sumimangot ito.“Huwag na mag-dinner.”Natawa naman ako. “Huwag kang sumimangot, hindi bagay sa’yo.”“As if hindi ka gandang-ganda sa’kin.”“Ang yabang na,” saad ko.Inirapan naman ako nito. “Alis na ako at baka ma-late pa ako.”Tumango naman ako. “I’ll fetch you later after work,” anas ko.“Hindi ba masyadong hassle na sa’yo? Pwede naman magkita na lang tayo sa restaurant?”“No need to commute, Elisha. Mas mapapanatag ako kapag sabay na tayo umalis,” seryosong turan ko.
Last Updated : 2026-08-30 Read more