เข้าสู่ระบบ“She blamed him for her parent’s death… until the truth destroyed everything she believed.” Akala niya, ang lalaking minahal niya ang dahilan ng pagkamatay ng kanyang mga magulang. Hindi niya alam na ang tunay na traydor ay nasa tabi niya lang simula pa noong una.
ดูเพิ่มเติมELISHA POV
“Mom! Dad!”
Paulit-ulit kong sigaw sa pangalan nila, kasabay ng unti-unting pagkabasag ng boses. Gusto kung tumakbo papasok sa loob kung nasaan sila pero hindi ko magawa dahil sa mga taong pumipigil sa akin.
“Bitawan niyo ako, bitaw!” Pilit akong nagpupumiglas sa kanila.
“Ma'am, masyadong malakas ang apoy. Hindi kayo puwedeng pumasok. Mapapahamak din kayo,” sabi nila.
“Nasa loob sila! Nasa loob ang mga magulang ko! Parang awa niyo na, iligtas niyo sila. Pakiusap!" Halos napapaos na ang boses ko ng sabihin 'yon.
Masakit! Sobrang sakit na wala man lang akong magawa habang pinapanood ang apoy na nilalamon ang lahat.
Nakita ko ang isang babaeng bumbero kaya mabilis akong tumakbo palapit sa kanya.
"Kumusta ang mga magulang ko? N-nakita niyo na ba sila? L-ligtas ba sila?" Nanginginig na tanong ko.
Yumuko siya. "I'm sorry.”
Nanikip ang dibdib ko. “A-ano? Anong ibig mong sabihin?”
Bago pa siya makasagot, napansin kong nagtipon ang ilang bumbero malapit sa entrada. Mabibigat ang mga ekspresyon nila.
May mali.
Agad akong tumakbo papunta sa kanila.
“Mommy… Daddy…”
Mahina ang lumabas na boses ko ng makita ko sila.
Hindi ko na maalala ang sumunod na nangyari dahil bigla nandilim ang paningin ko. Nagising na lang akong magawa ng makita kung nasa ospital ako.
“Tita…” mahina kong tawag.
“Salamat maman at gising ka na, iha.”
“A-ano'ng nangyari?”
“Nahimatay ka. Sabi ng doktor, hindi kinaya ng katawan mo ang mga nangyayari tapos ay pagod ka pa.”
Pagkasabi niya noon, bumalik sa isip ko ang lahat.
Ang apoy.
Ang mga sigaw.
Ang usok.
Ang mga magulang ko.
Mabilis akong napatingin sa kanya.
“Nasaan sina Mommy at Daddy?”
Iniwas niya ang tingin niya sa akin.
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.
“Tita?”
“Magpahinga ka muna. Mahina ka pa,” mahinahon at malambing niyang sabi.
Doon pa lang ay alam ko ng iniiwasan niya ang tanong ko.
“Ligtas sila diba? Buhay sila?”
Saglit itong natahimik at nag iwas ng tingin.
“Elisha…”
“What? Sagutin niyo ako Tita!” tumaas ang boses ko. “Ligtas ang mga magulang ko diba?”
Napansin ko ang paglandas ng luha sa kanyang mga mata. “Iha…”
“Hmmm?”
“Wala na sila.”
Napatitig lang ako sa kanya.
Paulit-ulit akong umiling. “Nagbibiro ka lang diba? H-hindi… imposible. Hindi nila ako iiwan.”
Mabilis kung tinanggal ang swero na nakakabit sa akin.
“Elisha! Ano'ng ginagawa mo?” sigaw ng tita ko.
“Kailangan ko silang makita!” Tumayo ako kahit nanghihina pa ang katawan ko. “Hindi ako naniniwala sa sinasabi mo. Hindi nila ako iiwan. Hindi sa ganitong paraan!”
Tumakbo ako palabas ng silid, hindi pinapansin ang pagtawag ng tita ko.
Dinala ako ng mga paa ko sa mahabang pasilyo hanggang sa makarating ako sa silid kung saan sila naroon.
Nanginginig ang mga kamay kong hinawakan ang p***o.
Dahan-dahan ko itong itinulak.
Dalawang katawan ang nakahiga sa loob, natatakpan ng puting tela.
Tinakpan ko ang bibig ko. Nanghina ang mga tuhod ko.
“H-hindi… hindi puwede.”
Sa nanginginig kong mga kamay, dahan-dahan kong inalis ang telang nakatakip.
Ang dalawang taong kanina ko pa hinahanap.
May mga bakas ng paso ang ilang bahagi ng mga mukha nila.
Napaatras ako.
“Iha…” mahinang tawag ng tita ko mula sa likuran. Hindi ko namalayang nakasunod pala siya.
“Sabihin niyo sa akin na hindi ito nangyayari,” pabulong kong sabi. “Sabihin niyo na panaginip lang ito. Isang bangungot lang.”
“Elisha, kumalma ka—”
“Hindi!” sigaw ko. “Sabihin niyo na hindi ito totoo! Sabihin niyo na buhay pa sila! Nangako sila sa akin na hindi nila ako iiwan!”
Napalitan ng malalakas na hikbi ang boses ko.
Narinig ko ang tita kong humihingi ng tulong.
May mga yabag na nagmamadaling lumapit at pumasok ang isang doktor.
At pagkatapos ay dumilim ang lahat.
Nang muli akong magising, wala na akong ibang nagawa kundi umiyak.
Hindi ko alam kung paano tatanggapin na wala na ang dalawang pinakamahalagang tao sa buhay ko.
Paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang mga alaala.
Ang huli naming sabay na pagkain.
Ang huling beses na ngumiti sa akin si Mommy.
Ang huling beses na sinabi ni Daddy na proud siya sa akin.
Kung alam ko lang na iyon na pala ang huli, sana ay nagtagal sana ako sa tabi nila. Mas hinigpitan ko sana ang yakap ko sa kanila.
Paano ako mabubuhay nang hindi ko sila nakikita?
Paano ako gigising tuwing umaga nang hindi naririnig ang boses ni Mommy?
Paano ako magpapatuloy nang wala si Daddy na nagsasabing proud siya sa akin?
Ang dami pa naming plano.
Ang dami ko pang pangarap na gusto kong maabot kasama sila.
Pero paano na ngayon?
Paano na ngayong wala na sila?
Kanino ko na sasabihin ang mga problema ko?
Kanino ko na ibabahagi ang mga tagumpay ko?
Hindi ko na alam.
Bakit?
Bakit sila pa?
Sa dami ng masasamang tao sa mundo, bakit ang mga magulang ko pa ang nawala sa akin?
Sila ang buhay ko.
Sila ang lahat sa akin.
At sa isang iglap ay pareho ko silang nawala.
SOMEONE POV
“Natapos na namin ang ipinagawa niyo sa amin, Sir.”
Unti-unting ngumiti ang mga labi ko.
“Ita-transfer ko ang natitirang bayad sa bank account niyo,” sagot ko. “Siguraduhin niyong walang makakaalam tungkol dito.” At saka pinatay ang tawag.
Pagkatapos ay dinampot ko ang litrato ng pamilya Gonzales at tinitigan.
At pagkatapos ay itinapon ko ito sa apoy.
“Kung tinanggap niyo lang sana ang alok ko at hindi nagmatigas ay hindi mangyayari 'to." mahina kong bulong.
Tahimik kong pinanood ang pagbagsak ng abo.
“Hindi naman talaga kayo ang dapat mamatay, pero dahil nangyari na rin naman… sisiguraduhin kong walang makakatuklas ng katotohanan.”
“Walang makakaalam na hindi aksidente ang nangyari."
ELISHA POV"I still can't believe President Guevarra danced.""I've worked here for six years and I've never seen that.""Miss Gonzales looked so elegant.""I heard several investors mistook her for his girlfriend."Rining kung pinag uusapan ng mga empleyado. Hindi naman na ako magtataka dahil sa dami ng media noong gala ay hindi malabo na maraming pictures at video ang nakapost.Hinayaan ko na lang sila at naglakad papunta sa elevator. Pagdating ko sa executive floor ay agad akong dumiretso sa opisina ni Caden."Good morning, Sir." Bati ko."Good morning."For a brief moment, our eyes met.Hindi ko alam kung bakit biglang bumalik sa isip ko ang nangyari noong gala. The music. The lights. His hand resting against mine while we danced.Agad akong umiwas ng tingin."Ito pala ang mga contracts na kailangan mo para sa board meeting.” Saad ko at inilapag sa ito sa mesa."Thank you."“Babalik na ako sa table ko Sir. Ang dami ko pang kailangan tapusin.” Saad ko at naglakad na palabas. Alam
ELISHA POVPaulit-ulit kong tinitingnan ang sarili ko sa salamin. Alam kong marami ang nagsasabi na maganda ako, pero hindi ko pa rin maiwasang kabahan, lalo na sa event na ito.Mayamaya pa ay tumunog ang phone ko at nakita kong si Caden ito.“Sir.”“Are you ready? I’m already outside the building of your condo.”“Yes, Sir.”“Are you sure? You don’t need to hurry. I can wait.”“I’m pretty sure,” natatawang sambit ko at agad na lumabas sa condo.“Alright.”Nang tuluyan na akong makalabas sa entrance ng building ay agad ko siyang nakita na nakasandal sa magarang kotse nito.He was dressed in a perfectly tailored black tuxedo. He looked every bit the CEO everyone admired.I had seen Caden wearing expensive suits almost every day at the office, but tonight was different. Maybe it was the tuxedo. Maybe it was the way he stood there so casually while waiting for me.“Ilang oras pa akong maghihintay matapos ang pagtitig mo sa akin?”Agad akong napabalik sa wisyo nang marinig ko ang boses nit
ELISHA POVNitong mga nakaraang linggo ay naging busy kami dahil sa dami ng trabaho, puro meeting din si Caden sa mga bagong investors at projects kaya tambak din ang mga gawain ko.Hindi biro ang maging sekretarya ng isang Caden Guevarra kaya naiintindihan ko kung masyado siyang mapili noong mga panahon na hiring sila sa posisyon kung nasaan ako ngayon."Elisha."I immediately looked up from the documents on my desk. “Sir?”“Follow me.”"Yes, Sir." Agad kong kinuha ang notebook at saka sumunod sa kanya sa loob ng opisina.He motioned toward the chair across from his desk. "Sit.""Review tomorrow night's schedule."I opened the folder.Guevarra Corporation Annual Charity GalaVenue: Grand Imperial HotelTime: 7:00 P.M.Guests:Board MembersBusiness PartnersForeign InvestorsMedia RepresentativesMaingat kong binasa lahat ng detalye na nakasulat dito.Everything seems complete except for one blank space.CEO's Accompanying Guest: __________I lifted my head. “Sir, may nakalimutan yat
CHAPTER 21 – The Chairman’s FavorELISHA POV“Elisha!” Ibinaba ko ang binabasa kung dokumento ng makita ko si Ysa.“Bakit? May kailangan ka ba?” Tanong ko.“May nag iwan nito sa front desk.” Iniabot niya sa akin ang maliit na envelop."Para sakin?”Tumango naman ito. “Paakyat kasi ako dito para dalhin ‘yong sinabi ko sayo kahapon kaya pinakisuyo na lang din ‘yan sa akin."Oh okay. Thank you.” Agad din naman siyang umalis dahil marami pa daw itong gagawin.Miss Elisha GonzalesHindi ko alam pero may kakaiba akong nararamdaman ng mabasa ko ‘yon.Dahan dahan kong binuksan ito at tumambad sa akin ang isang picture na kasama ko si Caden kagabi noong palabas sa restaurant na malapit sa kompanya.Nag over time kasi kami kagabi dahil may kailangan kaming tapusin at dahil pareho kaming hindi pa naghahapunan ay nagyaya ito na kumain.Napadpad ang tingin ko sa likuran ng picture ng mapansin kung may nakasulat doon."You're becoming his weakness."Bigla akong nanlamig.Noong una ay balak ko na l












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
ความคิดเห็น