Lalyn's POV Hindi ko alam kung tama ba ang nakikita ko o dala lamang iyon ng sobrang pananabik ko. "Lyra! Anak, tingnan mo!" Napalingon ang bata sa akin. "What, Mommy?" "Gumalaw ang kamay ni Daddy!" Nanlaki ang mga mata ni Lyra. "Daddy?" Muli niyang hinawakan ang kamay ng ama. "Daddy, can you hear me?" Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Agad akong tumayo at pinindot ang tawag para sa nurse. "Theo! Mahal, naririnig mo ba ako?" Marahan kong hinaplos ang pisngi niya. "Please, open your eyes. Ako ito, si Lalyn." Pakiramdam ko ay sasabog ang dibdib ko sa sobrang saya at kaba. Ilang buwan kong hinintay ang sandaling ito. Ilang buwan akong nanalangin na sana ay magkaroon man lamang siya ng kahit kaunting reaksiyon. At ngayon, gumalaw ang kamay niya. Dumating ang nurse at agad siyang sinuri. Maya-maya ay dumating din ang doktor. "Doc, gumalaw po ang kamay niya!" mabilis kong paliwanag. "Naramdaman ko po. Dalawang beses siyang gumalaw." Maingat na sinuri
Terakhir Diperbarui : 2026-11-16 Baca selengkapnya