LOGINWarning: Mature Content‼️ Iniwan ni Lalyn Valeriano ang nakaraan niya nang buong puso-kasama ang sakit, pagkabigo, at ang lalaking minsan niyang minahal. Sa piling ng kanyang anak na si Lyra, ang kanyang “little cupid,” sinikap niyang bumuo ng tahimik at maayos na buhay. Wala siyang balak balikan ang nakaraan… lalo na ang lalaking minsang sumira sa kanyang tiwala. Ngunit isang araw, muling nagkrus ang landas nila ng isang makapangyarihang billionaire. Theo De Vera-Malamig, makapangyarihan. At hindi kailanman marunong magpatalo.Ngunit nagbago ang lahat nang matuklasan ni Theo ang isang sikreto na magpapaikot ng kanyang mundo. May anak sila. At ang batang iyon ang siyang unti-unting magdadala sa kanya pabalik sa buhay ni Lalyn. Galit, sakit, at mga sugat ng nakaraan ang pumapagitna sa kanila. Ngunit sa bawat titig, bawat pagkakataong magkalapit sila, muling bumabalik ang damdaming pilit nilang kinalimutan. Hindi lang si Theo ang muling maghahanap ng katotohanan kundi pati ang puso niyang matagal nang itinago. At ngayon, gagawin ni Theo ang lahat para mabawi ang dalawang pinakamahalagang tao sa buhay niya. Ang kanyang anak…at ang babaeng hindi niya kailanman tunay na binitawan.
View MoreLalyn's POV
Six Years Later.... "Mommy, bilis po tayo!" masayang sigaw ng maliit na boses.Si Lyra, ang aking nag-iisang prinsesa. Ilang linggo pa kami dito sa pinas ay bigla nalang nagkasakit si Lyra. Baka nga naninibago ang anak ko sa klima dito. Nagkataon kasi na summer sa bansa ngayon kaya subrang init talaga. Nandito kami ngayon sa isang hospital sa lungsod. Ang lungsod na laging maingay at laging abala na parang walang puwang para sa mga alaala. Pero para sa akin, may isang masakit na alaala na hindi kailanman nawala. Mahigpit kong hinawakan ang strap ng aking bag habang nakatayo sa harap ng St. Mercy Medical Center. Normal na check-up lang sana ito para sa anak ko pero bakit hindi mapakali ang tìbok ng aking puso. Alam ko na, ito lang naman kasi ang hospital na ito kung saan sila sir Ethan at Theo ang magkasosyo. Ayaw ko na sanang isipin pa ang pangalan ng huli dahil sìsikip lang ang dibdib ko. Agad akong lumingon at napangiti nang makita ang anak ko. Isang batang babae na may kulot na buhok, malalaki at kumikinang na mga mata, at ngiting kayang magpahina ng kahit sino. Yakap-yakap nito ang pink na stuffed toy habang humahakbang nang pabalik-balik. "Opo baby, nandito na tayo," marahang sagot ko habang inaayos ang buhok nito. Tumingala si Lyra. "Mommy, may Daddy rin ba dito na doctor?" Bigla naman akong natigilan sa tanong ng anak ko. Simula palang na nag-three years old siya hanggang ngayon gusto na niya talagang maglaro ng doktor-doktoran. Kaya nga ba sa tuwing bumibisita ang kanyang ninang Emily at Karina ay puro mga laruan na hospital kit ang pasalubong ng mga iyon. " Mommy, dito rin ba nagwork, Ninang Karina?" masiglang tanong niya. " No,anak. Sa ibang hospital si ninang Karina nagwork." " Mommy, saan na ba kasi daddy ko? Doctor din ba siya tulad ng nakikita ko sa tv?" makulit pa din na tanong nito. Nakangiti nalang ako dahil iyong mga ibang mga magulang na magpapacheck-up din sa kanilang mga anak ay natutuwa nalang din sa kakulitan ng mga tanungan ni Lyra. " Ang ganda ng anak mo,Ma'am. Pero 'yong mata at buhok sa daddy niya yata." Wika ng katabi ko. Bigla naman akong natigilan dahil kung maari lang sana gusto ko nang i-rebond ang buhok ng anak ko. Pero hindi naman pwede dahil ang bata pa niya. Bakit naman kasi ako ang nagtiis ng mga cravings, ako iyong nagpupuyat sa loob ng siyam na buwan hanggang sa dalawang taon si Lyra. Ang kaputian lang niya ang namana sa akin. Kahit mukha niya ay may resemblance sa daddy niya na hanggang ngayon hindi ko alam kung nasaan. O baka naman magpakasasa na sa lungga ng ibang babae. Sa pagiging babaero na n'on, malaman ang dami na 'yong na anakan. Sabagay may kasalanan din naman ako kung bakit nangyari iyon pero ginawa ko lang 'yon para sa kaligtasan namin ng anak ko. " Mommy, gwapo din ba daddy ko?" pangungulit na tanong ulit ni Lyra. Isang tanong na palaging bumabalik. Isang tanong na pilit kong tinatakasan. Ngumiti ako nang pilit. "Baka balang araw, makilala mo rin siya,baby." Mahina kong sagot. Pumasok na kami sa mismong loob ng ospital. Malamig ang hangin. Amoy disinfectant. Malinis, pero mabigat sa dibdib. Sa reception, nag-fill up na agad ako ng form habang si Lyra ay masayang nakaupo sa tabi ko. "Pediatric consultation po," sabi ko. Tumango ang nurse. "Doctor Theo ang mag-a-assist sa inyo." Sa isang iglap, parang tumigil ang mundo ko. Doctor Theo...inulit ko pang bigkas sa mahinang boses. Hindi...imposible... Mahigpit kong hinawakan ang ballpen. "Mommy?" napatingin si Lyra sa akin, “Bakit parang natatakot po kayo?" "A-ako? Hindi ah, baby,” pilit kong sagot sabay ngiti. Ngunit bago pa ako makabawi... "Next patient." Isang boses ang narinig ko sa loob ng room. Mababa, kalmado at higit sa lahat pamilyar na boses ang narinig ko. Parang bumalik lahat ng mga pangyayari na pilit ko ng kinalimutan. " Let's go,baby...tawag na tayo," pinilit ko na maging normal ang aking boses at kahit ang kilos ko at baka magtaka ang aking anak. Dahan-dahan kaming pumasok sa loob ng kwarto. At dito, biglang tumigil ang ikot ng aking mundo ng mapagtanto ko kung sino ang maging doktor ng anak ko. Dahan-dahang nilipat ko ang aking mga mata kay Lyra. At sa isang iglap, tila may nabasag sa loob ko. Alam kong ganito din ang naramdaman ngayon ni sir Theo. Akala ko dati, isa din siya sa may-ari ng hospital na ito. Pero ngayon, ginagamit din niya pala ang kanyang lisensya bilang pediatrician. Si Lyra naman ay ngumiti lang," Mommy, ang gwapo niya… parang prinsipe,” bulong ng anak ko.Ngunit hind sapat ang mahinang boses ng anak ko na hindi parin marinig ni Theo ang sinasabi ni Lyra. Hindi agad nakakilos si Theo. Hindi rin siya nakapagsalita agad.Nakatingin lang siya sa bata… na parang may hinahanap sa mga mata nito.Parang may kinikilala. Humakbang ako nang bahagya, hinila si Lyra palapit sa akin. "Doctor Theo…" mahinang sambit ko. Unti-unting tumingin si Theo sa akin. At sa pagkakataong ito, malamig ngunit matalim ang boses niya. "Lalyn..." Sandaling katahimikan. Isang titig na puno ng tanong.Hanggang sa lumabas ang salita na bumago sa lahat. "Sino ang batang ’yan?" Bigla akong natigilan at alam kong hindi na maitatago ang nakaraan. Hindi agad ako nakasagot sa kanya.Parang may nakabara sa aking lalamunan habang hawak ko nang mahigpit si Lyra. Si Theo. Ang lalaking iniwan ko at ang lalaking hindi ko inakalang makikita ko pa ulit. At ngayon… doktor na ng anak ko. Humakbang si Theo palapit, ang mga mata ay hindi inaalis kay Lyra. "Lalyn…" ulit niya, mas mababa ang boses ngayon. " Sino ang batang ‘yan?" Sandaling katahimikan.Tila lahat ng ingay sa ospital ay nawala. Si Lyra naman ay walang kamalay-malay sa bigat ng sitwasyon. Ngumiti pa siya at kumaway kay Theo. "Hi po, Doc Prince! Ang pogi n'yo po." Masiglang wika ni Lyra. Natigilan naman ako sa sinabi ng anak ko. Nakita ko pa ang pagkurap ni Theo. Parang may tumama sa dibdib niya. Hindi siya makagalaw.Lalyn's POV Warning ‼️ SPG Alert‼️ Kanina pa ako niyaya ni Theo na matulog na kami ngunit mabilis akong tumanggi. Dahil may hinihintay pa ako. " Masama sa buntis ang magpupuyat, honey." " Hindi pa kasi ako inaantok. Isa pa, may hinihintay pa ako." " Kausapin mo nang maayos ang kapatid mo. Huwag mo lang siyang pagalitan dahil mas lalong magrerebelde ang bata." " Hindi na siya bata, Theo.Twenty-one na si Geena kaya alam na niya ang ginagawa niya." " That's my point. Kaya hayaan mo na siya dahil alam na ni Geena ang ginagawa niya, honey." " Nandito siya puder ko kaya obligasyon ko ang kaligtasan niya." " Baka nasakal na ang kapatid mo sa'yo." Napalingon ako sa kanya. Nasaktan ako doon sa sinabi niyang baka nasakal na si Geena sa akin. " Nakakasakal na ba ngayon ang pagiging protective?" Mabilis niya akong inakbayan at pinasandal sa headboard ng kama. " Minsan, kapag masyado ka nang naka-focus sa isang tao, nagsasawa rin sila, lalo na kapag pakiramdam ni
Lalyn's POV Napangiti ako na normal naman ang resulta lahat ng laboratory ni Theo. Ngumiti din sa akin ang doktor. " Hindi lang nagustuhan ng sikmura ni Mr. De Vera ang kinain niya ngayon.Sa test result niya ay normal naman kaya walang dapat ipag-alala,Mrs.De Vera." " Thank you,doc." Agad nang nagpaalam ang doktor sa akin. Agad naman naglapitan sila Lila at Lyra. " Is daddy okay,mommy?" tanong ni Lyra. " Yes, baby... okay na ang daddy." Nagyakapan naman ang dalawa. Nagpaalam muna ako sa kanila na bumalik na ng kwarto para matingnan ko si Theo. Dahan-dahan kong binuksan ang kwarto. Naabutan ko si Theo na ang lalim ng iniisip. " Kumusta, honey?"malambing na tanong ko sa kanya. Agad siyang ngumiti nang makita niya ako. " May problema ba? Nakita ko na ang results ng mga laboratory mo normal naman lahat.Kaya sabi ng doctor there's nothing to worry about." Matamis siyang ngumiti." Yeah, there's nothing to worry about. I've told you, sa kinain ko lang siguro."
Lalyn's POV Hindi pa man kami tuluyang nakarating ni Lyra sa kusina na naririnig na namin ang boses ni Theo. " Honey..." tawag niya sa akin. Hindi ako lumingon dahil kapag gagawin ko iyon makita niya reaksyon ng mukha ko. Alam ko na ang susunod niyang sasabihin. "Daddy, you're here." " Yes, little girl." " Daddy, I'm not a little girl anymore.Magiging ate na ako diba?" Natawa si Theo." Alright...so, can you go upstairs. Maligo ka na dahil ihatid na kita sa school." " Wala po kaming pasok, daddy.Pero aalis na ako hindi ko na sasamahan si mommy sa kusina.Nandito ka na eh." " That's a better idea." Mabilis nang nagpaalam si Lyra sa amin. Tumikhim muna si Theo bago ako binalingan. Nanatili lang akong nakayuko. " Hi, honey... hindi ka ba nangangalay? Kanina ka pa nakayuko diyan?" narinig ko ang mapakla niyang tawa," I think you have some unfinished business that you need to settle." “Theo…” Kinagat ko ang aking labi para hindi ako matawa. Nagpapacute muna a
Lalyn's POV Nagising ako na parang bumaliktad ang aking sikmura.Napapikit ako nang mariin habang mabilis na inilapat ang isang kamay ko sa aking tiyan. “Diyos ko…” Hindi ko alam kung panaginip lang ba iyon o talagang masama ang pakiramdam ko.Muli akong napalunok. Isang kakaibang hilo ang dumaloy sa buong katawan ko. Parang may umiikot sa loob ng aking ulo habang ang sikmura ko naman ay patuloy na nagrereklamo. Hindi ko na napigilan.Mabilis akong bumangon mula sa kama at halos matisod sa sarili kong paa habang nagmamadaling pumunta sa banyo. Pagdating ko sa loob ng banyo, agad akong yumuko sa harap ng inodoro.Ilang sandali akong nanatili roon. Ngunit walang lumabas. Tanging malalim na paghinga at paminsan-minsang pag-ubo lamang ang narinig ko. “Bakit ganito?” Napahawak ako sa dibdib ko.Hindi naman ako nagkasakit nitong mga nakaraang araw.Pero ilang araw na akong madaling mapagod.Madalas din akong inaantok. At nitong mga nakaraang umaga, kakaiba talaga ang pakiramdam ng tiya


















Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviewsMore