Lalyn's POV Hindi ako makapaniwala sa naririnig ko. Hinanap ko sa kaniyang mga mata ang kahit kaunting pag-aalala, kahit kaunting awa, ngunit wala akong nakita roon.Puro galit...Puro poot...At isang bagay na mas nakakatakot kaysa sa mga iyon, ang tila kasiyahan niya sa pagkakita sa akin na nakatali at walang kalaban-laban."Mama, ano ba ang kasalanan ko sa iyo?" tanong ko, halos hindi na lumalabas ang aking boses.Sa halip na sumagot, lumapit siya at hinawakan ang aking baba upang pilitin akong tumingin sa kaniya."Kasalanan mo ang lahat ng ito, Lalyn."Napailing ako."H-Hindi ko naiintindihan...""Talaga bang hindi mo naiintindihan, o nagpapanggap ka lang?"Napahinto ako.At sa sandaling iyon, tila may kung anong pumutok sa loob ng aking isipan.Isang boses...Isang mukha...Isang madilim na kalsada.Ang malakas na tunog ng makina.Ang biglaang pagsigaw ng isang lalaki.At ang sasakyang unti-unting nawalan ng kontrol habang mabilis kaming papalapit sa gilid ng bangin.Napasinghap ako.H
Last Updated : 2026-10-23 Read more