122“Wala, anak. Pero may mga taong dumating upang hanapin ang katotohanan.”“Who are they?”Tumingin si Maria kay Don Miguel.“Ang kapatid ng iyong ama… si Miguel Rocco.”Mahabang katahimikan.Pagkatapos ay narinig nila ang mahinang sagot.“Gusto ko po siyang makilala.”Napapikit si Don Miguel at napaluha.“Salamat, anak,” bulong niya kahit hindi siya marinig ni Liliana.Ang sorpresa ng kambalSamantala, sa Rocco Grand Mansion, hindi mapakali sina Zoe at Cloe.“Mommy, nasaan po sina Daddy at Kuya Aron?”“May mahalagang inaasikaso sila, sweetheart.”“Matagal na silang wala,”reklamo ni Zoe.“Miss ko na si Kuya,” dagdag ni Cloe.Ngumiti si Sue.“Bakit hindi kayo gumawa ng video message para sa kanila?”Agad na nagliwanag ang mga mata ng kambal.Makalipas ang ilang minuto, nakaharap na sila sa tablet.“Hello, Daddy! Hello, Kuya Aron!”“Please come home soon!” sabi ni Cloe."May surprise pa kami sa inyo!” dagdag ni Zoe.“Pero secret muna!”Sa likuran nila, napailing si Sue habang nata
Last Updated : 2026-11-17 Read more