"Sue, naipasa mo na ba sa taas 'yong listahan na bibigyan ng financial assistance? Si Mrs. Lars?" bungad ni Jessica, tinitingnan ang chart. "Ba't nasa labas ka?""Tapos na saka pinalabas ako. Ayaw magsalita no'ng client eh," sagot ko at tumayo. Lumapit ako sa kanya at tiningnan 'yong chart. "Kumusta sa kabilang wing? Busy daw ngayon sa emergency room, 'no?""Oo, maraming sugatan, kaya sumama ka sa akin ngayon. Tutal wala ka namang ginagawa, malaki ang maitutulong mo doon, tara na!" Hinila niya ako. Gusto ko sana tumanggi para sana silipin ang anak ko sa quarters naming mga social workers, pero mukhang kailangan ng tao ang emergency room. Pwede naman akong mag-assist, basic aid lang. "Papunta na rin dito ang mga doctor sa main hospital para saklolohan tayo."For eight years, ang daming nangyari. Nakapagtapos ako ng pag-aaral sa tulong ng mag-asawang kumupkop sa akin, nabuhay ko ang anak ko kahit mahirap at ngayon isa nang ganap na social worker sa isang maliit na ospital.Tungkol naman
Last Updated : 2026-06-29 Read more