CHAPTER 10 : Ang Pagod na Hindi NakikitaMay mga sugat na hindi dumudugo. May mga sugat na walang pasa at mayroon ding mga sugat na hindi nakikita ng mata... pero sapat para ubusin ang lakas ng isang tao.Mula nang mangyari ang insidente kahapon ay hindi na naging pareho si Maeve.-Martes.Alas-siete pa lamang ng umaga ag tahimik siyang nakaupo sa loob ng jeep, katabi niya si Bea hindi tulad ng dati na wala ang paborito niyang mga biro, wala ang walang tigil niyang reklamo tungkol sa quiz, wala rin ang masayahing boses na palaging nagbibigay-buhay sa biyahe nila.Nakatingin lang siya sa labas ng bintana, tahimik na nagmamasid, paminsan-minsan naman ay napapapitlag siya kapag may biglang dumaraang motorsiklo.O kapag may lalaking napapatingin sa kanya.Napansin iyon ni Bea."Maeve..." Mahina nitong tawag. "Lumiban ka na lang kaya ngayon?"Bahagyang ngumiti si Maeve."Hindi pwede. May laboratory, may attendance baka bumagsak ako."Napabuntong-hininga si Bea."Kahit kailan talaga grades
Last Updated : 2026-07-05 Read more