ログインAng Unang "Boyfriend"Linggo ng umaga.Mas maliwanag ang sikat ng araw kaysa mga nakaraang araw.Ngunit para kay Maeve...Mas maliwanag ang ngiti niya.Mula nang maging opisyal sila ni Keiv, pakiramdam niya ay gumaan ang lahat. Hindi man sila palaging magkasama dahil sa kani-kanilang responsibilidad, sapat na ang simpleng "Good morning" na natatanggap niya tuwing gigising siya. Sapat na ang simpleng "Kumain ka na ba?" at "Ingat ka." para sumaya ang buong araw niya.Ngayon...May isa siyang bagay na gusto niyang gawin.May gusto siyang ipaalam.Habang nakaupo siya sa maliit na sala ng unit, pinindot niya ang video call.Ilang segundo lang...Lumabas sa screen ang pamilyar na mukha ng kanyang ina."Anak!"Kasunod nito ang kanyang ama na sumilip sa likod."O! Bakit parang ang saya-saya mo ngayon?"Napatawa si Maeve."Wala naman po.""Sinungaling."Sabay na sabi ng mag-asawa.Napakamot siya sa ulo."Hala...""Kita ba agad?""Oo naman!"Natatawang sagot ni Aling Cora."Nanay mo ako.""Kapa
Ang "Yes" na Pinag-ipunanLumipas ang ilang araw matapos ang pag-amin nila sa isa't isa.Hindi na sila nagtatago ng ngiti.Hindi na rin kailangang magpanggap na wala lang.Tuwing magkakasalubong sila sa campus...Natural na ang simpleng pagbati.Natural na ang sabayang paglalakad.Natural na rin ang pangungulitan ni Bea."Ay wow.""Bakit magkalayo kayo ng limang hakbang?""Mag-jowa ba talaga kayo o bodyguard?"Napakamot na lang si Keiv sa batok.Samantalang si Maeve ay napatawa."Huwag ka ngang maingay.""Excited lang ako!" sagot ni Bea."Bihira akong makakita ng love story na live."Napailing na lamang ang dalawa.Ngunit kahit opisyal na sa puso nila ang isa't isa...May kulang pa rin.At iyon ang alam na alam ni Keiv.Gabing iyon...Tahimik siyang nakaupo sa maliit na mesa ng unit.May hawak siyang calculator.Katabi ang sobre ng buwanang allowance.Isa-isang isinulat ang gastos.Pamasahe.Pagkain.Projects.Photocopy.Emergency fund.Tahimik siyang napabuntong-hininga.Pagkatapos..
Linggo.Sa wakas ay dumating din ang araw na wala silang kailangang isipin na event proposal, committee meeting, rehearsals, stage design, o mga report na kailangang ipasa. Matapos ang halos dalawang linggong walang tigil na paghahanda para sa Buwan ng Wika, tila buong Bulacan State University ay huminga rin nang maluwag.At sa unang pagkakataon...Parehong walang alarm na hinahabol sina Maeve at Keiv.Mahaba ang naging tulog ni Maeve. Nang magising siya ay halos alas-nuwebe na ng umaga. Nakatulala lamang siya sa kisame habang nakangiti."Hindi ko kailangang magmadali..."Mahina niyang bulong.Ilang minuto pa siyang humilata bago tuluyang bumangon. Naisip niyang lumabas sandali. Gusto niyang uminom ng mainit na kape at magbasa ng libro. Gusto niyang magkaroon ng kahit isang araw na wala siyang iniisip.Samantala...Sa kabilang unit.Tahimik na nakaupo si Keiv sa sofa habang hawak ang isang mug ng black coffee.Hindi rin siya sanay sa ganitong katahimikan.Noon...Kapag Linggo, puno ng
Maagang nagising ang buong campus ng Bulacan State University. Hindi dahil may exam, hindi rin dahil may surprise quiz kundi dahil dumating na ang pinakahihintay ng lahat.Buwan ng Wika.Mula pa lamang sa main gate ay makikita na ang makukulay na banderitas na nakasabit sa magkabilang gilid ng daan. May mga estudyanteng nakasuot ng barong Tagalog, Filipiñana, Maria Clara, at iba't ibang modernong kasuotang Pilipino. Sa quadrangle ay naroon ang malalaking booth ng bawat kolehiyo, may mga eksibit tungkol sa kasaysayan, panitikan, kultura, at mga katutubong sining.Masigla ang paligid may tumutugtog ng kundiman sa entablado, may grupo ng mga estudyanteng nagpa-practice ng tinikling, may mga guro ring nakangiti habang kinukuhanan ng litrato ang kanilang mga estudyante.Halos buong unibersidad ay tila naging isang malaking piyesta at sa gitna ng lahat ng iyon... abalang-abala si Maeve."Check natin ulit ang registration table!""Okay na po!""Nasaan 'yung certificates?""Nasa backstage na!
CHAPTER 18 : Ang Unang Pag-amin sa SariliMadilim pa ang buong unit nang dahan-dahang dumilat si Keiv. Hindi niya agad naaninag ang kisame. Hindi rin niya agad naalala kung bakit mabigat ang ulo niya.Napapikit siya sandali.Kasunod noon ay ang bahagyang kirot sa sentido."...Beer."Mahina niyang bulong at unti-unti niyang naalala ang nangyari kagabi ang ginataang pakbet, ang mahabang kuwentuhan, ang refrigerator niyang puro tubig ang laman at ang dalawang lata ng beer.Napabuntong-hininga siya."Ang hina mo talaga..." Mahina niyang pinagtawanan ang sarili.Susubukan sana niyang bumangon nang may maramdaman siyang kakaibang bigat sa gilid ng kama. Napalingon siya at doon siya tuluyang natigilan dahil nakita niyang mahimbing na natutulog si Maeve.Bahagyang nakatagilid ang dalaga habang yakap ang isang maliit na throw pillow. Magulo ang ilang hibla ng buhok nito na tumatakip sa noo. Ang isang kamay nito ay nakalaylay sa gilid ng kama habang ang mahina at pantay nitong paghinga lamang a
Isang Mangkok ng Ginataang PakbetTahimik ang buong condominium nang gabing iyon.Matapos ang mahabang araw ng paghahanda para sa nalalapit na pagdiriwang ng Buwan ng Wika, isa-isang nagsiuwian ang mga estudyante. Ang dating maingay na hallway ay napalitan ng mahinang tunog ng air conditioner at paminsan-minsang yabag ng mga umuuwi pang residente.Pagkapasok ni Maeve sa unit ay agad niyang napansin ang isang puting papel na nakasingit sa ilalim ng pinto.Napakunot-noo siya."Ano 'to?"Pinulot niya iyon at binasa.NOTICEMahal naming mga residente, humihingi po kami ng paumanhin sa abalang dulot ng pansamantalang pagsasama ng ilang tenants sa iisang unit. Hanggang sa kasalukuyan ay wala pa rin pong available na bakanteng unit. Humihiling po kami ng kaunting pang-unawa at pasensya habang inaayos namin ang sitwasyon. Maraming salamat po.— ManagementNapabuntong-hininga si Maeve. "So... matatagalan pa pala." Napakamot siya sa ulo. "Hay naku..."Pagkatapos ay maingat niyang isinabit ang n







