Sampung Minuto09:58...09:57...Paulit-ulit na tumutunog ang pulang timer sa ilalim ng upuang kinatatali ni Maeve. Hindi niya halos maramdaman ang sariling paghinga. Hindi niya maintindihan, hindi niya matanggap, hindi niya alam kung bakit siya naroon. Mahigpit niyang ipinikit ang mga mata."Ano'ng nangyayari...?""Ano'ng kasalanan ko?"Tahimik siyang napaluha lumaki siyang simpleng babae at anak lamang ng ordinaryong pamilya na walang kaaway, walang atraso, walang anumang koneksiyon sa kahit anong sindikato o malaking kumpanya.Hindi sila mayaman, hindi rin sila makapangyarihan kaya bakit--- bakit siya ang dinukot? Unti-unti niyang inalala ang mga nakaraang linggo.Si Vanessa?Hindi--- imposible masama ang ugali nito, mapagmataas, selosa ngunit hindi mamamatay-tao. Hindi nito gagawin ang ganito. Hindi nito kayang itali ang isang tao at lagyan ng bomba. Hindi--- hindi si Vanessa. Napahikbi siya."Kung hindi siya--- sino...?"At higit sa lahat, bakit paulit-ulit nilang binabanggit ang
Last Updated : 2026-08-03 Read more