로그인Isang Linggong Para sa KanilaKinabukasan, Linggo.Maagang nagising si Maeve dahil sa sunod-sunod na vibration ng cellphone niya sa ibabaw ng bedside table. Antok pa siyang dumukot dito at halos nakapikit na binasa ang mensaheng natanggap niya.Keiv: Good morning, Mahal.Napangiti agad siya.Ilang segundo lamang ay may panibagong message.Keiv: Mag-ready ka.Napakunot-noo siya.Maeve: Para saan?Mabilis ang naging reply.Keiv: Gusto lang kita, i-date.Napaupo nang tuwid si Maeve.Maeve: Ha?! Anong meron?Keiv: Sunday ngayon, diba?.Maeve: Alam ko.Keiv: Then prepare. Because I already my way to pick you up.Napailing si Maeve habang nakangiti.Maeve: Saan tayo pupunta?Ilang segundo siyang naghintay.Keiv: Surprise.Napabuntong-hininga siya."Sus..."Hindi niya alam kung matutuwa ba siya o mai-stress sa pagiging misteryoso nito.Makalipas ang halos isang oras, nakapagbihis na rin siya. Simple lamang ang suot niya—magaan na blouse, jeans, sneakers at maliit na shoulder bag. Hindi naman
Limang Palpak at Isang TagumpaySabado ng umaga sa Tikay, Malolos, Bulacan, at sa unang pagkakataon matapos ang napakaraming nangyari sa kanilang buhay, tila nakahanap na naman ng simpleng dahilan sina Maeve at Keiv para maging masaya. Tahimik ang paligid ng unit nila. Walang schoolwork na kailangang habulin, walang committee meeting, walang mga kaaway na kailangang isipin, at higit sa lahat, walang anumang bagay na kailangang pag-awayan. Sa maliit nilang kusina, nakatayo si Maeve habang hawak ang spatula, samantalang si Keiv naman ay nakaharap sa kawali na parang may haharapin siyang board meeting."Okay. Simple lang 'to," seryosong sabi ni Maeve. "Sunny-side-up."Tumingin si Keiv sa itlog saka tumingin sa kawali at tumingin ulit sa itlog."That's it?""Oo.""Akala ko may technique.""Meron nga.""Ano?""Basagin mo ng hindi nasisira ang egg yolk"Napatingin si Keiv sa kanya."That's the technique?""Yes.""Madali lang naman pala."Ngumisi si Maeve. "Sige nga."Maingat na kinuha ni Ke
Ang Pangatlong PuwestoVANESSAHalos dalawang buwan na ang lumipas mula noong gabing iyon sa BGC at halos dalawang buwang walang malaking gulo, walang kidnapping, walang banta, walang kakaibang nangyari at higit sa lahat ay walang anumang bagay na maaaring magbigay sa kanya ng dahilan para guluhin ang buhay nina Maeve at Keiv.Sa unang pagkakataon matapos ang napakaraming kaguluhan, naging tahimik ang lahat at para kay Vanessa...nakakainip iyon. Ngunit wala siyang ibang ginawa kundi ipagpatuloy ang buhay niya. Papasok siya sa school, mag-aaral, makikipagkita sa mga kaibigan saka uuwi at paulit-ulit na gagawin iyon.Sa loob ng isang buwan, halos ganoon lamang ang naging routine niya. Normal, tahimik, walang drama, walang malaking iskandalo at kahit hindi niya gustong aminin ay mas naging tahimik din sina Maeve at Keiv.Hindi na niya halos nakikita ang mga ito na nag-aaway o nagkakaroon ng problema.Sa halip ay mas naging malapit pa ang dalawa laging magkasama sa library, magkasama sa c
CHAPTER 32Saturday Night: The Queen's PlaygroundSabado ng gabi. Matapos ang isang nakakapagod na linggo sa Bulacan State University, nagpasya ang grupo nina Vanessa na lumabas at mag-enjoy. Sa BGC ang napili nilang puntahan—malayo sa campus, malayo sa mga professors, at higit sa lahat, malayo sa mga problemang ilang araw nang gumugulo sa isip ni Vanessa. Nakasakay sila sa isang SUV na halos kalahati ng sasakyan ay puno ng shopping bags, makeup kits, at kung anu-anong gamit na hindi naman talaga kailangan para sa isang gabing gig lang. Sa likod, komportableng nakaupo si Vanessa habang ang dalawang kaibigan niyang sina Trish at Kaye ang nagsisilbing halos personal assistants niya. "Trish, bakit hindi mo pa rin naayos 'yung hair ko?" reklamo niya habang nakatingin sa salamin ng compact mirror. "Sorry, Vanessa. Traffic kasi at—" "Excuses," putol niya. "Hindi ako nagbabayad sa'yo para makarinig ng excuses." Napatingin si Trish kay Kaye, ngunit agad ding umiwas. Sanay na sila. Kapag
Hindi Na Kayang ManahimikIsang linggo matapos ang pagbabalik ni Maeve sa unibersidad at unti-unti na rin bumabalik sa normal ang takbo ng buhay niya sa Bulacan State University. Nagbabalikan ang mga lecture, mga quizzes, mga laboratory activities, mga group reports at tila unti-unti na ring nakakalimutan ng karamihan ang nangyaring kidnapping ngunit may isang taong hindi pa rin tumitigil.Si Vanessa Montenegro.Halos araw-araw ay lagi itong nasa tabi ni Keiv. Kapag papasok siya sa campus..."Good morning, Keiv!"Kapag nasa cafeteria... "May bakante rito!"Kapag break time... "Samahan mo naman ako."Kapag uwian... "Sabay na tayo." At kung minsan naman ay hindi pa ito nahihiyang humawak sa braso ng binata na siyang lalong nagpapaingay sa buong campus."Tingnan mo...""Mukhang sila na talaga.""Hindi ba si Maeve ang girlfriend?""Ewan.""Baka nag-break na."Hindi maiwasang makarating ang mga bulung-bulungan kay Maeve dahil sa bawat naririnig niya ay pakiramdam niya ay may maliit na karay
Isang Linggo ng KatahimikanIsang linggo, pitong araw na ang lumipas mula ng makauwi si Maeve sa bahay ng kanyang mga magulang at sa loob din ng pitong araw ay paulit-ulit siyang kinakausap nina Aling Cora at Mang Nestor hanggang sa unti-unti siyang bumalik sa dating sigla. Hindi man ganap, sapat na upang muli niyang sabihin ang salitang..."Handa na akong bumalik sa school."Lunes ng umaga ay muli niyang sinuot ang uniporme ng Bulacan State University. Nang makitang bumababa siya ng hagdan, hindi napigilan ni Aling Cora ang mapangiti."Ang ganda-ganda ng anak ko."Napangiti rin si Maeve."Mama naman..."Lumapit ang kanyang ina at inayos ang kuwelyo niya."Wag mong pababayaan ang sarili mo."Tumango siya."Opo."Samantala, si Mang Nestor naman ay inihatid siya hanggang sa sasakyan."Wag mong pilitin ang sarili mo at pasensya na hindi kita mahahatid, sira ang jeep na ginagamit kong pamasada at tandaan mo na hindi ka namin minamadali."Ngumiti si Maeve."Kaya ko na po."At sa unang pagk







