Hindi alam ni Diana kung paano iyon napansin ng munting si Malia.Akala niya ay mahusay siyang magtago ng nararamdaman, pero nahalata pa rin siya ng anak.Hindi naman siya masaya, pero hindi rin siya umiiyak o sobrang nasasaktan.Pakiramdam lang niya, napakarami nang nangyari at naipon sa kanyang puso.Wala siyang mapagsabihan o mapaglabasan ng lahat ng iyon."Wala naman. Bakit naman ako malulungkot?" sabi ni Diana habang marahang kinukuyom ang kanyang kamay.Mas naging malambing pa ang kanyang ngiti."Baby, tapos ka na bang maligo?"Tumango ang maliit na si Malia.Idinikit pa nito ang pisngi sa screen ng cellphone, na para bang gusto siyang yakapin at aliwin."Mommy, huwag ka nang malungkot. Alam kong nitatago mo lang yung sad mo sa akin."Don’ worry, mommy. Kapag nag-airplane na kami ni Mamita Linda, magiging happy ka na po."Mabilis na ibinaba ni Diana ang cellphone at itinapat iyon sa kanyang dibdib.Itinaas niya ang ulo, pilit na pinipigilan ang mga luhang gustong tumulo.Pero wal
Read more