Tapos na Tayo, Mr. Billionaire: Akin Lang ang Anak ko!

Tapos na Tayo, Mr. Billionaire: Akin Lang ang Anak ko!

By:  Enchanting MistOngoing
Language: Filipino
goodnovel4goodnovel
10
6 ratings. 6 reviews
100Chapters
3.6Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Dalawang lihim ang bumabalot sa kasal ni Diana Morales. Una, hindi siya kailanman tinanggap ng pamilya Santos bilang bahagi ng kanilang angkan. Hindi alam ni Erik na bago pa man sila ikasal, nilinlang siya ng kanyang pamilya upang pumirma sa isang kasunduang magtatapos ang kanilang pagsasama pagkalipas ng pitong taon. Ikalawa, may anak silang babae na lihim na isinilang ni Diana. Sa loob ng pitong taon, buong puso niyang minahal si Erik. Umasa siyang balang araw ay mamahalin din siya nito pabalik. Ngunit tatlong buwan bago matapos ang kanilang kasunduan, may natuklasan siyang katotohanang gumiba sa lahat ng kanyang pag-asa. May iba palang babae sa puso ni Erik. At ang babaeng iyon ay walang iba kundi ang fiancee ng nakababata nitong pinsan. Sa isang iglap, nawalan ng saysay ang pitong taon ng kanyang pagmamahal at sakripisyo. Dahil sa matinding sakit at pagkadismaya, nagpasya si Diana na huwag nang ipaalam kay Erik ang tungkol sa kanilang anak. Iniwan niya ang lalaki at piniling palakihin ang bata nang mag-isa. Para sa kanya, si Erik ay isa na lamang estrangherong nagbigay ng kalahati ng dugo ng kanyang anak. Lumipas ang mga taon. Ang babaeng minsang minata at binalewala ay muling sumikat sa larangan ng medisina at naging pinakabatang tumanggap ng isang prestihiyosong parangal sa medisina. Doon lamang napagtanto ni Erik na matagal na pala siyang kinalimutan ng babaeng akala niya'y laging mananatili sa kanyang tabi. Nang mabunyag sa publiko ang pagkakaroon nila ng anak, hinarang niya si Diana sa harap ng maraming tao. Puno ng galit at pagsisisi ang kanyang tinig. "Palalakihin mo ang anak natin nang hindi ako nakikilala? Diana, gusto mo ba akong mamatay sa sama ng loob?" Ngumiti lamang si Diana habang hawak ang kamay ng kanyang anak. Pagkatapos ay malamig niyang sinabi, "Mr. Santos, listen carefully. Ang apelyido ng anak ko ay Gonzales, hindi Santos."

View More

Chapter 1

Chapter 1

Ang pitong taong kasal ni Diana Morales ay nagbunga ng isang supling. Limang taong gulang na ngayon ang bata. Ngunit ni minsan ay hindi ito nalaman ng kanyang asawa at wala siyang balak ipaalam dito ang tungkol sa kanilang anak.

Hindi niya binigyan si Erik Santos ng pagkakataong maging ama.

Habang nagpapahinga sa gitna ng kanyang night duty, pinakinggan ni Diana ang voice message ng anak niyang lihim na pinalalaki sa karatig-probinsiya.

“Mommy, bakit hindi ko pa po nakikita si Daddy? Patay na po ba siya?”

Seryosong napaisip si Diana.

Hindi pa.

Pero parang ganoon na rin.

Kamakailan, nagsimula nang magkaroon ng sariling mga tanong at pag-iisip ang batang si Malia. Sa kanyang munting isipan ay may isang bagay na gumugulo sa kanya.

Hindi pa niya kailanman nakita ang kanyang tunay na ama.

At habang lumalaki ang kanyang kuryosidad, napaisip si Diana kung dapat na ba niyang sabihin kay Erik ang katotohanan.

Ang katotohanang mayroon silang limang taong gulang na anak na babae.

Tutal, malalampasan na nito ang mahirap na yugto ng pagpapalaki ng sanggol at magiging ama na lang agad sa isang batang kahit papaano ay may sarili nang pag-iisip.

Pagkatapos isara ang chat nila ng anak, kinuwenta ni Diana ang natitirang oras.

Parang tatlong buwan na lang ang natitira sa kanila ni Erik.

Matapos pag-isipan ang mga salitang kanyang sasabihin, nag-type siya ng mensahe sa Messenger ng kanyang asawa. Napatitig siya panandalian sa chat box na halos walang laman dahil bihira silang mag-usap.

“Kung sakaling may anak tayo, ikaw ba ay...”

Hindi pa niya naipapadala ang mensahe nang biglang bumukas ang pinto.

“Doktora Morales, may emergency patient po!” nagmamadaling sabi ng isang batang nurse.

“What happened?” agad niyang tanong.

"The patient may be in the early stages of pregnancy and had vigorous sexual intercourse. Posible pong pumutok ang kanyang corpus luteum.”

Agad pinatay ni Diana ang screen ng kanyang cellphone. Tumayo siya at mabilis na sumunod sa nurse.

“You're not supposed to have sex during early pregnancy! Basic knowledge iyon. Hindi ba sila makapaghintay?”

Ngunit nang hilahin ng nurse ang kurtina ng kama at makita niya kung sino ang pasyente, natigil siya sa pagsasalita.

Dalawang segundo siyang natigilan bago nagulat na tawagin ang pangalan ng babae.

“Mary Ann Paterno?”

Hindi siya maaaring magkamali, ang babaeng pasyente at ang magiging hipag ng kanyang asawa.

Napahinto rin si Mary Ann nang makita si Diana ngunit hindi ito sumagot.

Mabilis na sinuri ni Diana ang sitwasyon.

Si Mary Ann ay fiancée ng pinsan ni Erik.

Ngunit limang buwan na ang nakalipas mula nang makulong ang lalaking iyon dahil sa problema sa accounting ng kumpanya at nasentensiyahan ng isa't kalahating taong pagkakakulong.

Hindi pa maumbok ang tiyan ni Mary Ann noong mga panahong iyon. Kung buntis man siya nung makulong ang kasintahan, dapat malaki na ang tiyan nito ngayon.

Kung ganoon...

Kanino ang batang dinadala niya?

Gayunman, hindi ugali ni Diana ang mangialam sa pribadong buhay ng iba. Isinantabi niya ang mga iniisip at agad na isinuot niya ang medical gloves.

“Breath. Let me check you first.”

Subalit naalarma si Mary Ann at halatang hindi natuwang makita siya. Agad itong bumangon at nagwika:

“Hindi na kailangan. Lilipat na lang ako sa ibang ospital.”

Napasulyap ang nurse kay Diana nang may pag-aalala.

“Kung ayaw mong magkaroon ng komplikasyon, humiga ka muna. Hayaan mong matingnan kita. Basic check-up lang naman,” mahinahong sabi ni Diana.

Napakunot-noo si Mary Ann.

Hindi niya gusto ang kalmadong asal ni Diana.

Walang nasayang na salita si Diana. Bilang doktor, hindi niya maaaring ipagpaliban ang kalagayan ng pasyente, lalo na sa ganito kaselan na sitwasyon.

Yumuko siya upang simulan ang pagsusuri.

Ngunit agad siyang tinabig ni Mary Ann.

Pak!

Malakas ang tama ng kamay nito sa kanya. Masakit.

Tiningnan ni Diana ang likod ng kanyang kamay na namumula dahil sa lakas nangg pagtabig nito.

Bago pa siya makapag-react, biglang lumambot ang boses ni Mary Ann habang nakatingin sa likuran ng doktor.

“Erik...”

Nang marinig ang pamilyar na pangalan, agad napalingon si Diana.

Isang matangkad at gwapong lalaki ang naglalakad papalapit sa kinaroroonan nila.

Nakasabit ang kanyang coat sa kanyang braso, bawat hakbang niya ay nagbibigay ng kakaiba at mamahaling presensya sa buong ospital.

Hindi maitatagong galing siya sa isang mayaman at prominenteng pamilya. Ang bawat kilos niya ay pawang kilos ng isang may dugong bughaw.

Paglapit nito ay nagtagpo sandali ang kanilang mga mata, ngunit sandali lamang.

Walang emosyon itong umiwas ng tingin at nagpatuloy sa paglalakad.

Parang hindi sila magkakilala.

Diretso itong tumayo sa kabilang gilid ng kama.

“Kamusta ka?” tanong nito kay Mary Ann. May bahid ng pag-aalala sa malamig nitong boses.

Hindi kailanman inasahan ni Diana na ang taong sumama kay Mary Ann sa ospital ay ang kanyang sariling asawa na pitong taon niyang itinago sa publiko.

Habang pinagmamasdan niya si Erik na buong atensyong nakatuon kay Mary Ann, napaisip siya.

Nakita kaya nito ang sampal na tinanggap niya kanina?

Samantala, nang magpakita ng pag-aalala si Erik kay Mary Ann, palihim namang sumulyap ang babae kay Diana.

Pagkatapos ay tumingala ito sa lalaki at malambing na nagsabi:

“Alam mo naman, di ba? Talagang sasakit ang tiyan ko sa nangyari kaya ako napunta rito.”

Agad na naintindihan ng mga staff ang ipinahihiwatig ng mga salitang iyon.

Hindi ba't para na rin nitong sinasabing ang lalaking kaharap nila ang kasama niya sa kakaibang “escapade” na ginawa nila sa kama?

Hindi ito itinanggi ni Erik.

Wala rin siyang paliwanag.

Natulala si Diana.

Pinanood niya kung paano nito inalagaan at pinrotektahan ang babaeng dapat sana'y magiging hipag nito.

Kahit hindi pala emosyonal si Erik at likas na sensitibo sa ang mga babae, may exception sa rule nito.

Kay Mary Ann. Lumalambot ang ugali nito pagdating sa babae.

Paano niya hindi mapapansin ang kakaibang relasyon ng dalawa?Bulag lang ang hindi makakaisip na may ugnayan sila.

Lalo na't alam ng ni Erik ang dahilan ng pagpunta ni Mary Ann sa emergency room. Hindi ito simpleng pagsakit lamang ng tiyan.

Sa sandaling iyon, tila nagyelo ang buong katawan ni Diana.

Noon, iniisip niyang likas lang talagang suplado si Erik.

Ngayon, naunawaan niya ang katotohanan.

Hindi dahil hindi ito marunong magmahal, o kaya naman ay hindi marunong mag-alaga.

Iba lang ang gusto niyang alagaan.

At may minamahal siyang ibang babae.

Obvious naman na si Mary Ann iyon.

Hindi na kailangan ng mental gymnastics upang pag-aralan ang sitwasyon nila.

Kahit sino ay makakahula kung sino ang kasama ni Mary Ann nang gawin ang mga mapangahas na bagay na iyon sa kama na naging dahilan ng kanyang pagpapaospital.

Nang mapansing hindi siya gumagalaw, saka lamang tumingin si Erik sa kanya.

Para itong matalim na karayom na nagpabalik sa kanyang ulirat.

Bahagyang nanginginig ang kamay niyang nakasuot pa rin ng gloves.

Parang ngayon pa lamang tumatalab ang sakit ng sampal.

Napangiti siya nang mapait sa sarili.

May silbi pa bang kumpirmahin ang isang bagay na halos lantad naman na?

“Erik,” sabi ni Mary Ann, “gusto kong lumipat ng ospital. Dalhin mo ako sa mas kilalang ospital.”

“Sige,” walang pag-aalinlangang sagot nito.

Para bang anumang hiling ni Mary Ann ay handa nitong tuparin.

Malalim ang samahan nilang dalawa. Halatang close na close sila.

At bilang asawang minsang nagmahal nang buong puso sa lalaking iyon, ramdam na ramdam ni Diana ang diperensya sa pakikitungo nito sa kanya.

Parang unti-unting pinupunit ang kanyang puso.

At ang sinabi ni Mary Ann tungkol sa “mas kilalang ospital” ay malinaw na pang-iinsulto rin sa kanyang kakayahan bilang doktor.

Maayos na inayos ni Erik ang lahat.

Mula simula hanggang dulo, hindi siya nito kinausap kahit isang beses.

Wala ring bakas ng hiya.

Hanggang sa makaalis ang dalawa sa silid.

Matagal pa ring hindi nakabawi si Diana sa kanyang nakita.

Samantala, nagsimula nang magtsismisan ang mga kasamahan niya.

“Naku! Ang wild talaga ng mga babae ngayon!”

Kumikinang ang mga mata ng batang nurse.

“Pero grabe, sobrang gwapo ng lalaki. Nakakapanlambot ng tuhod! Mukhang magaling din talaga siya sa ganoong bagay.”

Nakayuko si Diana habang dahan-dahang inaalis ang kanyang gloves.

“Talaga ba?” walang gana niyang sagot.

Hindi napansin ng nurse ang kakaibang tono niya.

Sa halip ay bigla itong nagtanong:

“Doc Diana, matagal ka na ring kasal, di ba? Pero bakit hindi ka pa namin nababalitaan na nagkaanak ka na?”

Itinapon ni Diana ang gloves sa basurahan.

Pagkatapos ay kalmado niyang sinabi:

“May erectile dysfunction ang asawa ko. Obviously, hindi ako mabubuntis dahil do’n.”

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


reviewsMore

Regs
Regs
Sana everyday na mag update miss a
2026-08-03 19:37:25
0
0
franz main
franz main
Update pls
2026-07-14 02:21:22
0
0
Regs
Regs
Update po please, ang ganda ng kwento, sana mag update kana miss a
2026-07-13 22:30:55
0
0
Regs
Regs
Update kana dito Miss A.
2026-07-13 01:02:56
0
0
Regs
Regs
Highly recommended...
2026-07-13 01:02:22
0
0
100 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status