Nakaupo ako sa ilalim ng punong mangga sa gilid ng aming bakuran, hawak ang baso ng malamig na juice na halos wala nang lamig. Nakatanaw ako sa malawak na bukid sa di-kalayuan habang tahimik na nagmumuni-muni.Nakakainip pala talaga ang buhay kapag wala kang magawa.Sa kabilang bahay, may naririnig akong kalansing ng mga kasangkapan. Sa may kalsada naman, may dumaraang traysikel, kasabay ng ingay ng mga batang naglalaro. Ordinaryong hapon na naman sa Hinaplanon.At ako? Narito, walang trabaho, walang ganap, at walang bagong damit na maisusuot sa susunod na pista.Napabuntong-hininga ako.Hindi naman sa wala akong gustong gawin. Marami akong gustong gawin, actually. Gusto kong mamasyal, kumain sa magagandang lugar, bumili ng mga damit na hindi ko kailangang pag-isipan nang tatlong beses bago bayaran.Ang problema, lahat ng iyon ay nangangailangan ng pera.At ang perang mayroon ako ngayon, kailangan pang tipirin.“Hay, buhay.”“Psst!”Hindi ko pinansin ang mahinang tawag sa tabi ko.“Ho
Last Updated : 2026-10-25 Read more