Lumipas ang dalawang araw matapos ang matinding panggagalit sa akin ni Sir Sander sa may pasilyo tungkol sa pagbabawal ng mga bisita sa mansiyon. Sa loob ng dalawang araw na iyon, pilit kong pinanatili ang aking "good maid aura", tipong walang pabalang na hirit, walang baligtad na uniporme, at higit sa lahat, walang pagbanggit sa salitang babe. Sobrang tahimik ko nga, daig ko pa ang may tape sa bibig e.Ngunit nitong Sabado ng umaga, habang masaya kong pinaplanong magbabad sa higaan para sa pinakahihintay kong day-off, bigla na namang tumunog ang intercom sa kwarto ko. Pinapatawag daw ako ni sir sa study room."Nelly, we are going out today," bungad sa akin ni Sir Sander pagkapasok na pagkapasok ko sa pinto. Nakasuot siya ng black pants at navy blue na plain polo shirt. "It should just be me and my son, but due uo his request he wants you to come with us. I don't want the idea... but if this day will just be ruined by his mood... Then so be it, sumama ka na." Napakaseryoso ng mukha n
ปรับปรุงล่าสุด : 2026-07-08 อ่านเพิ่มเติม