Home / Romance / After Work: A Naughty Maid for the Introvert Billionaire / Chapter 20- Help sir! Help! Let me out! Charot.

Share

Chapter 20- Help sir! Help! Let me out! Charot.

last update publish date: 2026-07-13 17:05:00

"Nanny Nelly! We still have a lot of time! Let's play hide-and-seek, please?" masayang pakiusap sa akin ni Dos habang hinihila ang laylayan ng aking palda, hawak pa rin ang kaniyang maliit na laruan.

Tiningnan ko ang bata na tuwang-tuwa ang mga mata. Dahil nga isang oras pa ang hihintayin namin bago ang opisyal na iskedyul ng pag-alis patungong school, dahan-dahang akong tumango.

"Sige, Dos! Pero ako muna ang magtatago at ikaw ang magbibilang ng hanggang tatlumpu, ha? Siguraduhin mong hindi mo
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • After Work: A Naughty Maid for the Introvert Billionaire   Chapter 20- Help sir! Help! Let me out! Charot.

    "Nanny Nelly! We still have a lot of time! Let's play hide-and-seek, please?" masayang pakiusap sa akin ni Dos habang hinihila ang laylayan ng aking palda, hawak pa rin ang kaniyang maliit na laruan.Tiningnan ko ang bata na tuwang-tuwa ang mga mata. Dahil nga isang oras pa ang hihintayin namin bago ang opisyal na iskedyul ng pag-alis patungong school, dahan-dahang akong tumango."Sige, Dos! Pero ako muna ang magtatago at ikaw ang magbibilang ng hanggang tatlumpu, ha? Siguraduhin mong hindi mo ako madaling mahahanap!""Tatlumpu?"Napakamot ako, oo nga pala medyo On English mode si Dos, minsan kung tagalog naman ay kaunti lang. "Thirty. Count 1-30, okay?"Okay! One... two... three..." mabilis na pikit nung bata sa kaniyang mga mata habang sumasandal sa may pader ng sala.Mabilis akong nagtatakbo palabas patungo sa malawak na garahe upang maghanap ng pinakamagandang spot. PAgdating ko roon, nakita kong nakabukas nang bahagya ang likod ng mamahaling itim na kotse ni Sir Sander. MUkhang k

  • After Work: A Naughty Maid for the Introvert Billionaire   Cjaoter 19- Ang dami kong tanong 'no?

    Maaga akong nagising kinaumaghan. Pakiramdam ko eh, may kung anong sumapi sa akin na nagpawala sa mga katamaran ko. Pagkatapos kong masigurado na maayos ang pagkakasuot ng aking uniporme ay dumeretso na ako sa kusina upang ihanda ang makakain ni Dos. Kailangan kong mas galingan sa pagganap bilang yaya para hindi ni sir mahalata ang tunay kong pakay sa mansiyon.Saktong alas-siyete nang bumaba si sir Sander mula sa hagdan, tahimik at diretso ang kaniyang pagkilos habang inaayos ang kaniyang damit pang-opisina. Kasunod niya si Dos na tuwang-tuwa namang tumatakbo patungo sa lamesa habang hila ang kaniyang paboritong laruan."Nanny Nelly! Good morning! How are you po?" masayang bati sa akin ng bata sa kaniyang tuwid na Ingles."Good morning din, Dos! Maupo ka na rito at ano bang gusto mong kainin," nakangiti kong sagot habang inilalapag ang pinggan ng mainit na kanin sa kaniyang tapat."Good morning din po sir."Naupo na rin si Sir Sander sa kabilang dulo ng lamesa. Dahan-dahan niyang ki

  • After Work: A Naughty Maid for the Introvert Billionaire   18- Walang nagsabing bawal magtanong ng magtanong ha ng

    Naramdaman ko ang paghinto ng sasakyan kaya dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Madilim na sa labas at saktong nakaparada na kami sa tapat ng garahe ng mansiyon. Sobrang bigat pa rin ng katawan ko dahil sa tindi ng pagod, at pagtingin ko sa hita ko, mahimbing pa ring natutulog si Dos habang yakap-yakap ang kaniyang maliit na teddy bear.Lumingon ako sa unahan at nakita kong kakapatay lang ni Sir Sander ng makina ng kotse. Tinanggal niya ang kaniyang bluetooth earphone mula sa tainga.Dahan-dahang bumaba si Sir Sander at binuksan ang pinto sa likod upang buhatin si Dos. Sa pagkakataong ito, nang magtagpo ang mga mata namin, napansin ko ang kakaibang pagbabago sa kaniyang tingin. Wala na ang matinding pagdududa o ang matatalim na pagsusuri na palagi niyang ibinabato sa akin nitong mga nakaraang araw. Mas kalmado siyang tignan ngayon."I'll carry him to his room. Just bring his bag inside, Nelly," mababa at seryoso ang baritonong boses ni Sir Sander habang maingat na kinukuha a

  • After Work: A Naughty Maid for the Introvert Billionaire   Chapter 17- May secret si Mrs. Shamcey? Ano kaya 'yon?

    Naging napakatahimik ng buong biyahe pauwi sa mansiyon. Dahil sa labis na pagod sa maghapong paglilibot, mabilis na dinantnan ng antok ang dalawang pasahero ni Sander sa likod. Si Dos ay mahimbing nang natutulog habang komportableng nakahiga sa hita ng kaniyang yaya, habang si Nelly naman ay nakasandig lang sa upuan, bahagyang nakabukas ang bibig habang dahan-dahang humihinga mula roon sa labis na kapaguran.Tinatahak na ng Mustang ni Sander ang daan pauwi ng Mansiyon, mag-aalas-sais y media na rin ng gabi at nagsisimula na ang traffic. Sa bawat ilang minuto, hindi niya mapigilang mapatingin sa gawi ng dalawa sa rearview mirror. Sa tuwing dumadaan ang sasakyan sa ilalim ng mga ilaw ng kalsada, nakikita niya ang payapang mukha ng kaniyang anak na mahigpit na nakakapit sa laylayan ng uniform ni Nelly. Bzztt...Bahagyang nagvibrate ang kaniyang cellphone sa ibabaw ng console. Nang makita ang pamilyar ngunit hindi nakarehistrong numero, dahan-dahang pinindot ni Sander ang button sa kan

  • After Work: A Naughty Maid for the Introvert Billionaire   Chapter 16- Weh, kunwari may makakahuli sa amin na parents pero ang totoo gusto lang naman ni sir yumakap. Haha.

    Bago tuluyang lumisan sa amusement park, nagpatuloy muna sa marahang paglalakad ang tatlo sa kahabaan ng plaza habang inuubos nina Nelly at Dos ang kani-kanilang ice cream. Kahit medyo nararamdaman pa rin ni Sander ang bahagyang pag-ikot ng kaniyang paligid mula sa Ferris wheel, pinilit niyang panatilihin ang kaniyang tuwid at pormal na postura habang nakapamulsa."Daddy, look! Face painting!" biglang hinto ni Dos sabay turo sa isang maliit na stall kung saan may ilang bata ang pinipintahan ang mga pisngi ng iba't ibang disenyo. "I want to try the superhero mask paint, please?"Nang sulyapan ni Sander ang kaniyang anak, dahan-dahang siyang tumango at binayaran ang may-ari ng stall. Habang masayang nauupo si Dos sa upuan upang simulang pintahan ng artist, umatras muna nang bahagya sina Nelly at Sander upang bigyan ng espasyo ang bata.Habang naghihintay, walang kaalam-alam si Nelly na pinagmamasdan siya ng kaniyang amo. Ngunit iyon ay puno ng iritasyon. Inilabas nito ang kaniyang luma

  • After Work: A Naughty Maid for the Introvert Billionaire   Chapter 15- Grabe tinulungan na nga. nagsungit pa.

    Matapos ang nakakbusog na tanghalian kung saan muntik nang mawalan ng hininga si Sir Sander dahil sa mga kuwento ko tungkol sa suso, ay nagpasya na kaming lumabas ng restaurant. Akala ko ay dumeretso na kami sa parking lot, ngunit bago pa man kami makalabas ng gate ng park ay biglang huminto si Dos at itinuro ang pinakamataas na atraksyon sa gitna ng plaza—ang malaking Ferris wheel na dahan-dahang umiikot sa itaas."Daddy, please? Just one last ride before we go home," pakiusap ng bata habang hawak ang kamay ng kaniyang ama, ang kaniyang malalaking mata ay puno ng pagmamakaawa.Tumingala si Sir Sander sa naglalakihang mga tila basket na sasakyan na nakabitin sa ere. Halatang nag-aalangan ito base sa pagkunot ng noo niya. O baka dahil medyo mataas ang lugar at masikip ang sasakyan kaya ayaw niya. Pero nang sulyapan niya ang kaniyang anak na umaasa, dahan-dahan siyang tumango at pinagbigyan ang hiling ng bata. "Fine. But after this, we are going straight back to the mansion.""Yey! Nan

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status