Windy's POVKung may isang bagay talaga akong hindi maintindihan sa mga mayayaman...Bakit ang hilig nilang gawing komplikado ang lahat?Noong nasa probinsya pa ako, ang alam kong sayawan ay kapag may piyesta, kasalan, o kaya'y Christmas party sa barangay. Kapag tumugtog na ang banda, bahala na kung sino ang marunong at hindi. Ang importante, masaya.Pero dito, Dios ko! Naiistress ako, ang dami nilang ganap sa buhay. May ballroom na nga may etiquette pa silang nalalaman. May tamang lakad daw, may tamang upo, at may tamang hawak ng kubyertos. Ang dami nilang ka-ek-ekan.Feeling ko pati maling paghinga, may seminar pa eh. Nasstress na ko.Napabuntong-hininga ako habang nakatayo sa harap ng salamin sa kwarto ko.Simple lang ang suot ko, isang cream-colored blouse at beige na palda. Wala namang espesyal, pero ewan ko ba. Kinakabahan ako na parang may exam.Hindi ko pa rin makalimutan ang sinabi ni Winston kanina sa kusina."Meet me in the ballroom after lunch."Ballroom.Hanggang ngayon,
آخر تحديث : 2026-07-19 اقرأ المزيد