SELENA's POV"No, Sebastian. You're in her side!" giit ni Victoria, na nag-uumapaw na ang galit.Parang mas nagalit siya sa amin nang magsalita si Sebastian.Tama ba ang desisyon kong isama si Sebastian dito?Bakit may pakiramdam ako na magkakaroon kami ng malaking problema?"You're getting it wrong, Victoria. At hindi tama na sinaktan mo ang bata," giit naman ni Sebastian, na mukha pa ring kalmado. "Sa tingin mo ba ay kaya kang patulan ng isang bata? Think of it, Victoria. Sa tingin mo ba ay kaya kang saktan ng isang five years old?"Hinarap ko si Seraph at bumaba para pantayan siya.Umiiyak pa rin ang panganay ko. Baka maraming liquid ang nakapasok sa mga mata niya kaya hindi pa niya kayang imulat ang mga ito."Hush, baby. Nandito na si mommy, okay? Hindi ka na niya masasaktan," sabi ko, saka hinaplos ang pisngi niya na namumula.Pinahid ko pa ang luhang pumatak dito, pagkatapos ay kinuyom ang isang kamay.Hindi ko alam kung ano ang mga nangyari. Pero kilala ko ang anak ko. Hindi si
Terakhir Diperbarui : 2026-07-15 Baca selengkapnya