Share

16: Mommy's Secret

Author: ninsies
last update publish date: 2026-07-24 23:19:08
SERAPH's POV

"Seraph, hindi ba tayo makikita ni Mommy dito?" bulong sa akin ni Sienna. Nakasiksik pa siya sa akin dahil natatakot siya sa puwesto namin.

Siya lang ang kasama ko rito. Nagpaiwan si Selene para may magbabantay kay Silas.

Binigyan ko na lang sila ng earpiece para marinig nila ang usapan ni Mommy at ng secret husband niya.

Actually, kanina pa kaming naghihintay ni Sienna. Kanina pa namin pinapanood si Mommy na tumitingin sa phone niya. Mukha siyang excited na hindi mapakali.

"L
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • My Quadruplets' Baby Daddy is a Billionaire   27: Liars

    SELENA's POV"Hindi iyan totoo. Hindi ko iyan ginawa," depensa ko sa sarili ko, sabay tingin kay Sebastian. "Hindi ko siya tinulak, Sebastian."Hinila ako ni Sebastian papunta sa likuran niya. Napayuko ako dahil sa bulungan ng ibang bisita. Naririnig ko silang pinagtatanggol ang pangalan ni Victoria.Naniniwala silang nagsasabi ng totoo ang dalawa at ako ang nagsisinungaling sa amin. Kahit naman na ipagtanggol ko ang sarili ko, hindi pa rin sila maniniwala sa hamak na gaya ko."Selena, why are you like this? Tinanggap ko ang pambu-bully sa akin ng mga anak mo. Akala mo ba hindi ko malalaman na sila ang nanakit sa akin sa labas ng ospital namin?" saad ni Victoria, mangiyak-ngiyak ang mga mata at malungkot ang boses. "Selena, hindi na ako magtataka kung bakit ganoon ang mga bata dahil ikaw ang nagpalaki.""Victoria, bakit mo binabaliktad si Selen? Hindi ba't ikaw ang totoong nanakit kina Silas? You sprayed a disinfectant on Seraph's eyes. You hurt Silas, too," saad din ni Sebastian.Dah

  • My Quadruplets' Baby Daddy is a Billionaire   26: Gatecrasher

    SELENA's POVHabang tinitingnan ko si Victoria, lalo akong pinapatay ng mga titig niya. Walang alam si Sebastian. Busy siya sa pagbati at pagngiti sa mga bisita niya habang dumadaan kami sa table nila.Hindi ko kayang umiwas. Pakiramdam ko, kapag umiwas ako ng tingin, sasaksakin niya pa rin ako nang patalikod.Malamig dito sa venue, pero pinagpapawisan ako. Panay rin ang paglunok ko dahil hindi ko kinakaya ang lahat. Nakaka-pressure."Are you okay, Selen? Kinakabahan ka ba?" tanong ni Sebastian, na puno ng pag-aalala. Malamang napansin niya rin.Pero masisisi ba niya ako? Hindi ako sanay sa ganito."Medyo. Maraming nakatingin," maikli kong sagot, habang mahigpit na nakakapit ang kamay ko sa braso niya."Chill, mommy of four. Hindi sila nangangain; nangangagat lang," biro pa niya, kaya kinurot ko siya sa braso niya."Ouch! Ang sakit nun, Selen!" pasigaw niyang bulong, pero tinawanan ko lang siya. Kahit papaano, nabawasan ang pressure na nararamdaman ko kanina."Mr. Montoya! It's nice t

  • My Quadruplets' Baby Daddy is a Billionaire   25: Special Guest

    SELENA's POV"Good evening, Miss Santiago... this way, please."Sinundan ko ng tingin ang babaeng sinamahan ng isa sa mga nakabantay sa entrance. Maganda siya. Fashionista ang dating. Agaw-pansin ang suot niyang gown dahil nagmumukha siyang model sa paningin ng mga bisita… naming lahat.Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa nagtama ang mga mata namin. Natigilan ako nang magkatitigan kami. Napatingin din sa akin ang receptionist at mga guard; nagtataka sa nangyayari."Do you know her, Miss Santiago? Isa ba siya sa mga gatecrasher na ilang beses ginulo ang party ng mga elites?"Umiling ako. Nakatuon pa rin sa kaniya ang tingin ko. Habang ang babaeng tinatawag nilang Miss Santiago ay matalim nang nakatitig sa akin.Hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang pinaparamdam niya sa akin. Did I do something wrong? Pero wala naman akong naging kasalanan sa kaniya."Yeah, she was one of those. Drag her out," narinig kong sabi niya.Muli akong umiling. Pero tuloy-tuloy sa paglapit sa akin ang

  • My Quadruplets' Baby Daddy is a Billionaire   24: Favor

    SELENA's POV"Think whatever you think, Victoria. No one gets to bully Silas and his siblings, understand?"Naitikom ni Victoria ang bibig niya habang nanggigigil. Masama pa rin ang tingin niya sa akin at sa mga anak ko. Hinayaan ko na lang dahil baka lumala ang sitwasyon.Nagpapasalamat na lang ako na dumating si Sebastian. Kung wala siya, baka tuluyan kaming napaalis sa ospital."Fine. I let them pass this time... only this time," sagot ni Victoria na halatang napipilitan. Ramdam ko ang inis niya at ang gigil. Pero wala siyang magawa sa ngayon. "If these bastards cross the line again, I swear I will give them no respect. Kahit bata pa sila, papatulan ko sila."Matapos sabihin iyon ni Victoria, lumabas siya ng building habang inaalis ang harina sa buhok niya. Nakahinga ako nang maluwag, maging ang mga anak ko. Kahit papaano, hindi natuloy ang binabalak ni Victoria sa amin kung ano man iyon."The show ends here. Go back to your businesses, people," pagtataboy ni Sebastian sa mga taong

  • My Quadruplets' Baby Daddy is a Billionaire   23: Backer

    SELENA's POV Saglit na natahimik ang lahat. Maging si Victoria ay natameme. Magsasalita sana ako para tumigil ang mga anak ko, pero bumunghalit ng tawa si Victoria na sinundan ng tawanan ng mga tao. Nagulat ang mga anak ko sa reaksyon nila, maliban kay Seraph na walang pakialam. Dala-dala na naman niya ang awra na kahit sa akin ay nagbibigay ng kaba. Ngumiti na lang ako nang tipid saka hinarap ang tatlo kong anak. Binaba ko rin muna si Silas sa tabi nila. Hingal na hingal sila. Halatang kagagaling lang sa pagtakbo. Hindi pa rin ako makapaniwalang nagawa nila iyon kay Victoria. Ayokong mamulat sila sa mundong ito na ayos lang maghiganti. Hindi iyon ang gusto ko para sa kanila. "Kids, Mommy forgave you all. But don't do it again, okay?" sabi ko sa kanila sa mahinang boses. Tumango naman sina Sienna at Selene. Pero si Seraph, nakatingin lang siya sa akin. "Seraph, mommy is not mad, okay? She was just worried." "Single mom... oh, wait. I think I recognize you now," ani Victoria. Ni

  • My Quadruplets' Baby Daddy is a Billionaire   22: S4

    SELENA's POV Kinuyom ko ang mga kamay ko sa galit. Sumusobra na talaga si Victoria. Una, sinaktan niya si Seraph. Ngayon naman, si Silas. Balak pa niyang patigilin ang treatment ng anak ko. Wala ba siyang puso? Hindi ba siya nakokonsensya? "Mom, hayaan niyo na po siya. May dahilan po kaya siya nagalit," bulong ni Silas. Kumunot ang noo ko. Hinawakan lang niya ang mga kamay ko at muling bumulong. "Bumili sina Seraph ng itlog at harina, Mom." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Napakurap pa ako dahil imposible talaga. Saan naman sila kukuha ng pambili? Eh, hindi ko nga sila binibigyan ng pera, eh. Paano sila nakabili? At bakit nila iyon ginawa kay Victoria? Lumuhod ako at hinawakan ko siya sa mga balikat. "Silas, sabihin mo sa akin. Bakit nila iyon ginawa?" tanong ko, mahina lang sapat para marinig ng anak ko. "Seraph is mad." Napahawak ako sa noo ko dahil sa dismaya. Ang akala ko pa naman ay nakinig sa akin si Seraph. Nagawa pa rin niyang maghiganti. "This is all my fa

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status