Azalea’s POVBumalik ang pamilyar na ingay at amoy ng office pagakatapak na pagakatapak namin sa executive floor. Malamig ang aircon, maayos ang bawat muwebles, at ang malalaking glass windows ay nakadungaw sa nagtataasang skyline ng lungsod.Dire-diretso si Caleb sa kanyang corner office matapos ipasa sa akin ang kanyang coat. Sanay na sanay na ako sa eksenang ito, pero pagkapasok ko sa executive restroom para mag-ayos bago ang board meeting, muling huminto ang mundo ko.Humarap ako sa malaking salamin sa ibabaw ng marble sink. Tinitigan ko ang sarili ko. Naka-suot ako ng beige blouse at tailored dark pencil skirt. Sa paningin ng iba, mukha akong malinis, maayos, at maasahang secretary. Pero sa mga mata ko?Ayan na naman tayo sa bilbil na 'to. Parang kahit anong pilit kong isuot ang spanx, lumalabas at lumalabas pa rin ang katotohanan.Habang inaayos ko ang salamin ko sa mata at naglalagay ng kaunting lipstick, bumukas ang pinto ng banyo. Pumasok ang dalawang junior executives mula s
Last Updated : 2026-09-17 Read more