SIOBEHGalit na tumingin sa akin si Aarav. Umiigting ang panga niya sabay bunot ng baril at mabilis na kinalabit ang gatilyo non, nang hindi tumitingin sa kung sino ang tatamaan ngunit asintado si Aarav, nabaril niya sa ulo ang pari kahit pa sa akin siya nakatingin. Umalingawngaw ang putok ng baril ni Aarav sa buong simbahan ngunit walang kahit sinong sumigaw maliban sa akin na nanginginig sa takot. “Sige na, iligpit niyo na ‘yang kalat na yan at kunin niyo na lahat ng pera! And you, woman, you’re coming with me!” singhal ni Aarav na hinigit ng mahigpit ang braso koHinila niya ako palabas ng office ng pari at pababa, hanggang sa makalabas kami ng simbahan. “Aarav! Ano ba?! Bitiwan mo ako, nasasaktan ako, ano ba?!” singhal ko at padabog niya naman akong binitiwan ngunit galit siya. “Anong problema mo?! Bakit kailangan mo akong pakialaman sa trabaho ko?! Ang sabi ko samahan mo lang ako, hindi ko sinabing makialam ka!” sigaw niya na galit na galit. Halos maputol na ang ugat niya sa
Huling Na-update : 2026-07-27 Magbasa pa