LOGINSIOBEHHabang tumatagal ako dito sa poder ng mga Clemente ay unti-unti na akong nasasanay pero may mga pagkakataon pa rin na gusto kong tumakas at umuwi sa amin. si Kent. Miss na miss ko na siya… at kung magkasama lang kami ngayon malamang ay kung anu-ano na ang kalokohan ang ginagawa namin. I’m just eighteen. Hindi ko alam kung tama pa ba ‘tong pinapasok ko…Mahal ko naman si Aarav pero… natatakot ako. Maya-maya ay bigla kong naramdaman ang pagyakap sa akin ni Aarav mula sa likod. “Anong iniisip mo?” tanong niya, nasa terrace kami ngayon at pinagmamasdan ang napakagandang view ng Mansyon. “Wala… uhm, Aarav, sigurado ka ba talagang gusto mo akong pakasalan?” “Ano bang klaseng tanong yan? Syempre naman… at saka you can’t back out now. Pumayag ka na eh at gawa na rin ang nga invitations, naipadala na sa mga bisita. Nakapagsukat ka na rin ng wedding gown. Naayos na natin ang lahat ng mga preparations.” “But… I’m just eighteen…” “Don’t worry… magiging maayos lang ang lahat. Ipinapa
SIOBEHDinala ako ni Aarav pabalik sa kwarto namin dahil hanggang doon ay umiiyak ako. Hindi ko kinakaya. Hindi ko alam kung panic attack ba ‘to o ano. Sobrang sakit ng nakita ko. Iyon siguro ang dahilan kung bakit ako iyak ng iyak nung araw na iyon. Dahil nakita kong pinatay ng daddy ko si Don Leon… ang tatay ni Aarav. Siguro ay nakalimutan ko lang pero habang tumatagal na nandito ako sa poder ng mga Clemente, unti-unti kong nalalaman ang totoo. Doon nagsimula nung nakarinig ako ng putok ng baril. Sa murang edad ko nakasaksi ako ng karahasan at kahit anong gawin ko, hinding-hindi na iyon maalis sa utak ko. “Nakita ko… nakita ko noon, Aarav, kung paano pinatay ng daddy ko ang daddy mo… patawarin mo ako…” humahagulgol kong sabi kay Aarav. Pinipilit na magsalita ng maayos kahit pa nasasaktan ako. “Ayos lang… wala na iyon, nakaraan na iyon… wag mo ng intindihin… hindi naman ako galit eh, basta wag lang akong insultuhin ng tatay mo o kaya ay maliitin niya ang tatay ko.” “Hindi eh…
AARAVIlang araw na lang ay kasal na namin ni Siobeh. Sa wakas ay matutupad ko na ang ipinangako ko sa amain ko at matatapos na rin ang lahat. Sana lang ay hindi pumalpak ang mga plano ko. “Napakaganda niya, Aarav, gustong-gusto ko!” masayang sabi ni Siobeh habang hinahaplos pa ang pendant ng gold necklace. Isa ang kwintas na iyon sa mga pinaka iingat-ingatan ni Don Leon na mga alahas at isa rin sa misyon kong ibigay ang lahat kay Siobeh kaya heto… ginagawa ko na ngayon habang may pagkakataon pa ako. “Just like you. It’s yours now…” sabi ko sa kanya na ngumiti ng tipid. Kung alam niya lang kung saan galing ang kwintas na iyon… sigurado akong hinding-hindi niya susuotin. “Talaga? Sa akin na ‘to?” tanong niya na hindi makapaniwalang basta ko na lang siya binigyan ng gold necklace. “Oo. you’re going to be Mrs. Siobeh Aldama Clemente. You deserve everything that your heart desires, My Love…”“Thank you, Honey, sobrang nagustuhan ko!” napakalawak ng ngiti na iyon na napakahirap igno
SIOBEHKINABUKASAN ay aalis na naman kami. Hindi ko na naman alam kung saan ako dadalhin ni Aarav. Talagang napaka-busy niyang tao. No wonder na wala siyang oras para manligaw ng babae at kasal agad ang offer niya sa akin dahil sa sobrang hectic ng schedule niya. Ngayong araw ay inilibot niya ako ulit sa buong shopping centre at sa Mansyon. Sa Mansyon malapit ang planta ng drugs at production nito. Dumaan pa kami sa pasikot-sikot at underground. Nakakainis naman! hindi ko alam na dito pala kami pupunta, nag boots pa ako. Sayang naman ang boots ko. Ang ganda-ganda pa naman pagkatapos ay mapuputikan lang. Dumaan kami sa parang tunnel at pagkatapos ay may elevator paakyat. Hawak-hawak lang ni Aarav ang kamay ko buong panahon ng paglalakad namin. Hinding-hindi niya ako binibitawan kahit pa seryosong seryoso ang mukha niya. Nakasunod sa amin ang mga tauhan niyang sila Daniel, Uriel at Gabriel. Lahat sila ay armado just in case na may mangyari. Si Aarav lang ang walang dalang baril n
SIOBEHGaya ng sinabi ni Aarav ay nagpunta kami sa pamilya ko. Naabutan ko ang kuya kong si Antonio na nililinis ang kotse niya. Tahimik at mukhang seryoso sa ginagawa ngunit napatingin siya sa amin. Ngumiti siya sa akin, nakita ko ang bakas ng pananabik sa kanyang mga mata. “Kuya?... kuya! Kuya ko!” sa sobrang pagkasabik ko ay tumakbo ako papalapit sa kanya at sinalubong niya ako ng yakap. “Siobeh! Bakit ngayon ka lang dumalaw ulit? Ma! Dad! Nandito si Siobeh!” sigaw ni kuya Antonio na tinatawag ang mga magulang namin. Kumalas ako ng yakap kay kuya nang lumabas si mommy at daddy. Yumakap ako kay mommy dahil sobrang na-miss ko siya. Sandali pa kaming nagyakapan sa labas at pagkatapos ay lumingon ako kay Aarav. Tila hindi siya makahakbang at nakatingin lang sa amin habang nakakunot ang noo. Alam niyang ayaw sa kanya ng pamilya ko sa pagkakataong ito kaya nilapitan ko siya at kinuha ang kamay niya. Tutal, siya ang mapapangasawa ko kaya pamilya ko na rin siya ngayon. Nagpatianod siya
SIOBEH“Wag mong sabihing ayaw mo ng romansa ko, kusang loob ka ngang bumigay agad nung unang gabi mo dito eh.” sabi ni Aarav na niyapos-yapos ako at pinaghahalikan sa leeg.“Aarav, ano ba?! tigilan mo nga ako!” singhal ko sa kanya na pilit na umiiwas. “Wag ka ng pakipot… hmm, miss ko na ‘yang labi mo…” sabi niya sabay inaabot ng pilit ang labi ko. “Ano ba?! Pagkatapos mo akong sigaw-sigawan kanina sa sobrang galit tapos ngayon maglalambing ka?! Umalis ka nga! Bitiwan mo ako!” singhal ko sa kanya ngunit nagulat ako nang itinihaya niya ako at dumagan siya sa akin. “Sorry na nga eh… you’re mine tonight, my baby boo boo…” sabi niya na inangkin ang labi ko. Hindi ko nagawang lumaban… bagkus ay ipinikit ko ang aking mga mata. Nakaramdam ako ng hinahon sa puso ko. Napakasarap at napakagaling humalik ni Aarav. Tinugon ko ang halik niya at sumunod ako sa agos. Nagpatangay ako sa sensasyon at sa tawag ng laman na umaalipin sa aming dalawa. Nagsimulang uminit ang katawan ko sa paghalik pa







